Default Thumbnail

Lolo wanted sa pagkamatay ng gf, uminom ng muriatic acid, dedo

June 19, 2022 Melnie Ragasa-limena 348 views

NAGPATIWAKAL sa pamamagitan nang pag-inom ng muriatic acid solution ang 56-anyos na lalaki na pinaghahanap ng mga awtoridad sa kasong pagpatay sa kaniyang dating ka live in noong June 11 sa Quezon City.

Si Eduardo Anire Vergara, 56, walang trabaho na residente ng 74 Judge Juan Luna St. Brgy. Bungad, Quezon City, ay nagtago umano nang maakusahan sa pagkamatay ng kaniyang 28-anyos na ka-live in na si Jhendel Pearl Santos.

Sa report ng Masambong Police Station 2, ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 9:30 a.m. (June 18) ay nagtungo ang mga awtoridad sa tahanan ng mga kaanak ni Vergara sa 3 Castanias Zone 2, Central Signal Village, Taguig City, kung saan ito umano’y nagtago at sinasabing uminom ng asido.

Naisugod pa umano ng mga kaanak ang suspek sa Quezon City General Hospital subalit binawian din ito ng buhay bandang 4 p.m., ayon kay Dr.Abigail Salvador.

Una dito, bago ang pagkamatay ng kanyang ka-live in sa misis, nag-text pa umano ang suspek na magtungo ito sa kaniyang bahay at kunin ang allowance ng kanilang mga anak.

Nagtungo ang misis sa bahay ng suspek pero habang naglalakad ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa suntukin ng lalaki ang mukha ng babae.

Pinagsasaksak umano mg lalaki ang biktima hanggang sa mapatay.

Nabatid na ang nagpatiwakal na suspek at ang napatay niyang misis ay may 11-taon nang nagsasama subalit nagkahiwalay sila noong October 2021.