Winnie Castelo

Castelo hiniling wag itaas renta sa mga pampublikong palengke

October 24, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 226 views

IPINANUKALA ni 2nd District Quezon City Councilor Winnie Castelo na magkaroon ng rental moratorium sa lahat ng stallholders at vendors sa mga pampublikong palengke sa Quezon City dahil sa nararanasang kahirapan na pinatindi ng pandemya.

Nakapaloob ang panukala ni Castelo, vice mayoralty aspirant ng Malayang Quezon City team ni mayoral bet Mike Defensor ng Anakalusugan party-list, sa kanyang Ordinance No. 485.

“The COVID-19 (coronavirus disease 2019) pandemic has continuously affected the livelihood of the people, including market vendors and stallholders, whose number of customers have drastically decreased due to the implementation of a stay-at-home policy,” Castelo said.

“The lockdowns are consistent and remain to be the primary reason for the loss of income and closure of many market stalls in Quezon City,” dagdag ni Castelo.

Sinabi ni Castelo na layunin ng kanyang “rental payment moratorium” na bawasan ang “impact of the pandemic on market vendors and stallholders and enable them to maintain their business and means of livelihood amid the raging health crisis.”

“This measure also aims to shield them from evictions and lawsuits seeking to boot out tenants who are behind in their rental fees,” dagdag ni Castelo.

Sa ilalim ng panukala, kasama sa hindi tataasan ng renta ang lahat ng mga pampublikong palengke.

Nilinaw naman ni Castelo na hindi kasama sa panukala ang supermarkets, hyper-marts, minimarts, groceries, at iba pang mga katulad na establisyamento.

Tumayo namang co-authors sina QC councilors—Karl Edgar Castelo ng 5th District at Melencio Castelo Jr. ng 6th District 6.

Naunang inilatag ng tambalang Defensor-Castelo ang P17-bilyong economic recovery roadmap, kabilang ang pagkakaloob ng direktang pinansiyal na ayuda sa mga mahihirap na grabeng naapektuhan ng pandemya, bagong infrastructure projects at mas magandang pagresponde sa COVID-19.

AUTHOR PROFILE