NPC Pinangunahan nina Lion Jay Pena Son,president ng Lions Club Pasay City,NPC President Lydia Bueno, Wilson Flores ng FFCCCII, PTFoMS USec.Paul Gutierrez, Rita Marasigan Aguas at MPD Chief PBGen.Andre P. Dizon kasama ang pagpapasinaya at ribbon-cutting ng busto ni Gat Marcelo H.Del Pilarsa National Press Club (NPC) grounds sa Magallanes Drive, Intramuros. Kuha ni JONJON C. REYES

Busto ni Gat Marcelo H. del Pilar pinasinayaan sa NPC

August 30, 2023 Jonjon Reyes 201 views

PINASINAYAAN Agosto 30 ang busto ni Gat Marcelo H.Del Pilar sa National Press Club (NPC) grounds sa Magallanes Drive, Intramuros Manila.

Ito ay bilang bahagi rin ng Press Freedom Day at paggunita sa ika-173 taong pagsilang ng isa sa pinakatanyag na propagandista at mamahayag ng Pilipinas na lumaban para sa kalayaan gamit ang panulat.

Sa nasabing aktibidad na dinaluhan ng ilang mataas na opisyal at mga sumuporta sa nasabing aktibidad,sinabing ang mamamahayag ang tinig ng katotohanan at patuloy na maging haligi ng pamamahayag sa Pilipinas.

Tiniyak ni MPD District Director P\Brig. General Andre Dizon na ang kapulisan ay patuloy na makikipagtulungan at poprotektahan ang mga mamamahayag lalo na Maynila na kanyang nasasakupan.

Nagpahayag din ng mensahe si PNP Chief P/Gen. Benjamin Casuga Acorda Jr, sa pamamagitan ni PNP spokesperson P/Brig.General Redrico Maranan na ang kanilang tungkulin ay may kasamang malaking responsibilidad upang bantayan ang Kalayaan at kaligtasan ng mga mamahayag.

Si Del Pilar ay ipinanganak sa Nicolas,Bulakan,Bulacan noong Agosto 30,1850.

Ayon kay NPC President Lydia Bueno, idineklara ang ika-30 ng Agosto ay idineklara bilang “natinal Press Freedom Day” sa bisa ng batas Republika 11699 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-13 ng Abril 2022.

Taong 1882 nang maging patnugot ng pahayagang Diariong tagalog si Del Pilar o Plaridel at pnalitan niya si Grtaciano Lopez jaena bilang patnugot ng la Solidaridad.

Namatay siya noong Hulyo 4,1896 sa Barcelona Spain.

Pinasalamatan din ng pamunuan ng NPC ang ilan sa mga tumulong upang maitayo ang busto ni Del Pilar tulad nina ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo,PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.,MPD Chief Dizon, Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) at Pasay City Host Lions Club.

AUTHOR PROFILE