Ramos

Bong Ramos poor boy na naging lieutenant

March 23, 2024 Christian D. Supnad 128 views

VIGAN CITY, Ilocos Sur–Napatunayan ni Reynald “Bong” Ramos na totoo ang kasabihang “the road to anywhere starts from where you are” dahil made na siya kahit ipinanganak na mahirap.

Hindi lang made kundi made enough pa dahil isa siya sa 93 na bagong promoted na tinyente ng Philippine National Police.

Anak nina Abe Ramos at Abat Navarro, a poor man who has achieved so much si Ramos kahit na parehong elementarya lang ang inabot ng kanyang erpat at ermat dahil poor lang sila sa Ilocos Sur.

Bago naging parak, nagsilbi sa Simbahang Katoliko si Ramos at naging “Mr. Caoayan Pogi” dahil hindi nalalayo kay Alden Richards ang cara ng parak na ‘to.

At kahit na rose from the ranks, matindi ang charm sa mga bebot dahil napangasawa si Azenith Ayunon-Ramos, isa sa mga pinakabatang school principal sa lugar

Base sa General Orders No. NHQ-GO-PR-2024-1591, kasama sa dating Police Executive Master Sergeant na naging Police Lieutenant (PLT) sina Reynald Navarro Ramos, Maryanne Noveloso, Rufina Obra, Armando Ordonez, Resurreccion Padiwan, Randy Pailma, Christopher Pajinag,Richard Pajo, Eddie Patubo, Ronald Pidlaoan, Benito Ponce Jr., Ariston Quilates, Elizabeth Quinio, Ryan Jay Quiochio, Fred Quitoriano at iba pa.

Base sa order ni Acorda, effective March 15, 2024 tinyente na siya at 92 pang iba.