Posas

OFW tiklo sa boga, bala

March 23, 2024 Jojo C. Magsombol 54 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado kamakalawa ng mga pulis ang overseas Filipino worker dahil sa pag-iingat ng mga baril at bala sa Purok 7, Brgy. Tanguay, Lipa City, Batangas.

Residente ng Lipa ang suspek na si alyas Allan, 43, ayon kay Batangas Police director P/Col. Samson Belmonte.

Nag-serve ang search warrant sa suspek mula sa utos ni Judge Leo-Jon P. Ramos ng RTC Branch 85 ng Lipa City, Batangas bandang alas-4:55 ng umaga.

Nasamsam mula sa suspek ang isang carbine rifle, pitong bala, magazine na may limang bala, isang FSTAR cal. 9mm pistol na may anim na bala at isa pang magazine na may limang bala.

AUTHOR PROFILE