Bong

Bong Go: Mag-ingat sa ” ‘walking pneumonia’

December 9, 2023 People's Tonight 221 views

PINAALALAHANAN ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang publiko, lalo na ang mga matatanda, na manatiling mapagmatyag sa harap ng patuloy na banta sa kalusugan.

Binigyang-diin niya na ang lahat ay nasa panganib pa rin na magkaroon ng COVID-19, partikular ng bagong bacterial infection na kilala bilang Mycoplasma pneumoniae, na karaniwang tinutukoy bilang “walking pneumonia.”

Sinabi ni Go sa pagdinig ng komite noong Martes ang kahalagahan ng pag-iingat sa kalusugan at ang boluntaryong pagsusuot ng mga face mask.

Idinagdag ng senador na ang banta ng “walking pneumonia” ay nagdaragdag ng isang bagong layer ng pagiging kumplikado sa kalusugan ng publiko kaya hinihimok ang mga mamamayan na manatiling may kaalaman at sumunod sa mga hakbang sa pag-iingat.

“Though hindi na po mandatory ang pagsusuot ng facemask sa ngayon, ako bilang chair po ng Committee on Health, iniengganyo ko pa rin po ang ating mga kababayan kung hindi naman po sagabal sa inyo ay magsuot pa rin ng mask. Natutuwa po ako tuwing may nakikita po akong nagsusuot pa rin po ng face mask, lalung-lalo na po yung mayroong comorbidities na maaaring mahawa,” ani Go.

Sinang-ayunan ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro “Ted” Herbosa ang apela ni Go.

“My advice is the same, yung natutunan natin no’ng Covid, yung social distancing at tsaka pagsuot ng facemask top etiquette para hindi magkahawaan. Kung may sakit ang bata huwag nang papasukin para hindi makahawa ng ibang bata sa eskwelahan.”

Noong Miyerkules, Disyembre 6, iniulat ng DOH ang apat na kaso ng walking pneumonia sa loob ng influenza-like illnesses (ILI) noong Nobyembre 25. Lahat ng indibidwal na apektado ng mga kasong ito ay gumaling na.

“4 (0.08%) lamang ng mga kumpirmadong kaso ng mga sakit na tulad ng trangkaso mula Enero hanggang Nobyembre 25, 2023 ay dahil sa M. pneumoniae o ‘walking pneumonia.’ Lahat ng mga kaso na ito ay gumaling. Mahigit kalahati ng mga kumpirmadong kaso ng ILI ay dahil sa iba pang kilala at karaniwang nade-detect na pathogens. Mayroon tayong mga gamot na maaaring gumamot sa M. pneumoniae; at madali nating mapipigilan ang paghahatid nito,” paglilinaw pa ng DOH.

“The DOH reassures the public that detecting M. pneumoniae is not new or unusual… This is not a notiable disease globally. The DOH can scan but we depend on what the media or the World Health Organization (WHO) will report. So far, ang tanging bansa na nakapagtala ng mga insidente ng Mycoplasma pneumoniae ay ang China,” dagdag nito.

AUTHOR PROFILE