Default Thumbnail

BOC nalagpasan target na koleksyon nitong Mayo

June 2, 2023 People's Tonight 212 views

NALAGPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang target na makolekta nito noong Mayo.

Nakakolekta ang BOC ng P77.793 bilyon o lagpas ng P5.443 bilyon sa itinakdang target nitong makolekta na P72.350 bilyon. Mas mataas din ito ng P11.505 bilyon o 17.36% kumpara sa nakolekta ng ahensya noong Mayo 2022.

Mula Enero hanggang Mayo, nakakolekta na ang BOC ng kabuuang P359.175 bilyon, lagpas ng P13.232 bilyon sa itinakdang target collection nito na P345.943 bilyon. Mas mataas naman ito ng P38.661 bilyon kumpara sa nakolekta sa unang limang buwan ng 2022.

Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ay nalagpasan ng BOC ang itinakdang target na makolekta nito bunsod ng mas masusing pangongolekta ng buwis at mas maigting na pagbabantay sa mga border laban sa smuggling.

Inilatag ni Rubio ang “five-point priority program” upang mas maging epektibo ang BOC sa pagganap sa mandato nito.

Pinaigting ng ahensya ang pagmamanman sa mga warehouse kung saan itinatago ang mga naipupuslit na produkto, pag-digitalize ng proseso upang mas maging mabilis, pina-igting ang koordinasyon sa iba’t-ibang ahensya na kinukuhanan ng permit para sa mga ipapasok na produkto, at pagbibigay ng mga bagong kasanayan sa mga tauhan ng BOC upang gumanda pa lalo ang kanilang performance.

AUTHOR PROFILE