Default Thumbnail

BOC naitala pinakamataas na koleksiyon

April 5, 2023 Vic Reyes 230 views

Vic ReyesPATULOY ang paglaki ng mga dividendo na dulot ng mga reporma at pagbabagong ipinatutupad ng bagong pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) sa “snake-infested-waterfront.”

Kitang-kita ito sa revenue collection ng BOC, na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), na pinamumunuan ngayon ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ng Batac, Ilocos Norte.

Noon lang nakaraang Marso ay naitala ng ahensya ang pinakamataas na ” monthly revenue collection in history,” ayon sa mga paunang report.

Ang total na koleksyon noong Marso ay umabot ng P80.133 bilyon, lampas ng P7.851 bilyon sa target collection nitong P72.282 bilyon o 10.86 percent.

Pinasalamatan ni Commissioner Rubio, na nagsimulang magtrabaho sa aduana bilang isang special agent ng enforcement and security service, ang kanyang mga tauhan.

“I am extremely proud of the men and women of the BOC for their dedicaion and hard work,” sabi ng Ilocanong hepe ng ahensya.

Dagdag pa ni Rubio: “This remarkable achievement is a testament to their unwavering commitment to public service and the successful implementation of our priority programs.”

Ipinangako pa ng hepe ng BOC na itutuloy nila ang mga repormang ipinapatupad sa ahensya para masiguro “that we are providing the best service to the Filipino people.”

Dahil sa paglobo ng koleksyon noong Marso ay umabot na ng tumataginting na P213.619 bilyon ang nakolektang buwis at taripa ng BOC sa unang tatlong buwan ng taon.

Ang koleksyon ay lampas ng P16,6 bilyon sa target collection na P197,929 bilyon.

Naniniwala si Commissioner Rubio na malaki ang nagawa ng BOC’s five-point program para maitala ang “strong collection performance” sa first quarter ng taon.

“The program focuses on digitalizing customs processes, simplifying procedures, curbing smuggling in all forms, and uplifting employees’ welfare and development,” ayon sa BOC.

Para mapanatili ang “positive performance” ay kailangang tuloy-tuloy ang implementasyon ng mga prayoridad na programa at “introduction of new initiatives.”

Ayon sa BOC, ang magandang performance ng ahensya ay nagpapatunay lamang na ang government efforts para ma-promote ang good governance ay nagbubunga ng positibong resulta.

May mga nagsasabi pa na nakuha ni Commissioner Rubio ang tiwala at suporta ng mga taga-BOC.

Talagang hindi kataka-taka ito dahil matagal na insider si Rubio bago naluklok sa pinakamataas na puwesto sa aduana.

Inihantulad nila si Commissioner Rubio kay dating Customs Commissioner Titus F. Villanueva na nagsilbi sa aduana ng 41 years na walang bahid ng korapsyon.

Si Villanueva, anak ng isang Ilocanong teacher na taga-San Narciso, Zambales na nakapag-asawa ng isang Masbatena, ang siyang unang insider na naging BOC chief.

Sa tingin ng mga observer ay marami pang “surprises” ang mangyayari sa aduana dahil determinado si Rubio na gawing “one of the world’s best customs administrations” ang BOC.

Sa tulong ng kanyang mga tauhan, magagawa ni Sir Benny ‘yan.

****

Sa maraming parte ng bansa ay ibang klase ang sobrang init na nararamdaman, lalo na sa matataong open spaces.

Resulta na kaya ito ng tinatawag na climate change na bunga naman ng addiction ng tao sa fossil fuels?

Ano man ang dahilan, ang tangi nating magagawa ay sundin ang payo ng mga otoridad kapag tayo ay nasa bahay, lalo na mula alas nuebe ng umaga hanggang alas kuwatro hapon.

Kung maaari nga lang ay huwag na tayong lumabas ng bahay, kaya lang hindi naman puwede dahil kailangan nating kumayod para may maipakain sa pamilya.

Ang talagang kawawa dito ay ang mga magsasaka at construction worker, na kailangang magtrabaho kahit na nakapapaso na ang init ng haring araw.

Hindi naman puwedeng nakapayong sila habang nagtatrabaho sa bukid at construction site.

Ang mahirap pa nito ay natutuyo na ang mga lupa at kinukulang na ng tubig ang ating mga dam na nagsu-supply ng drinking water sa Metro Manila at karating pook.

May mga lugar na ngang ilang oras na lang nagkakaroon ng tubig ang kani-kanilang mga gripo.

Dagdag gastos din ito sa mga pamilya kasi marami ang napipilitang bumili ng bottled water para sa kanilang inumin dahil ayaw nila ang tubig na nanggagaling sa gripo.

Ito ang tinatawag nilang penitensiya dulot ng tagtuyot.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa 0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang any buing pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE