Default Thumbnail

BNG timbog sa illegal na droga

June 11, 2023 Jonjon Reyes 361 views

MIYEMBRO NG BNG TIMBOG SA ILIGAL NA DROGA SA MALATE MANILA..

HIMAS rehas sa Manila Police District- Malate Police Station 9 ang isang 30-anyos na miyembro ng tinaguriang Bahala Na Gang (BNG) matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isinagawang Oplan Galugad at Simultaneous Anti – Criminality Law Enforcement Operation sa kahabaan ng Adriatico malapit sa Quirino Avenue, Barangay 704, Malate, Manila, Sabado ng gabi.

Nakilala ang suspek sa pangalang Jess, 30, binata, walang trabaho, ng San Andres Street, Malate.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, bandang 8:45 p.m. nang pangunahan ni Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng Station Drug Enforcement Unit( SDEU), ang pagdakip sa suspek.

Nagsasagawa ang mga tauhan ni Tangdol ng nasabing mga operasyon nang maispatan nila ang lalaki na kakaiba ang kinikilos.

Nakuhanan umano ang suspek ng limang gramo ng hinihinalang shabu na nakakahalaga ng P34,000.

Isinailalim ang suspek sa medical checkup sa Ospital ng Maynila , bago dinala sa naturang himpilan ng pulisya.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 Article ll ng Republic Act 9165.

AUTHOR PROFILE