Iza

Bianca mas malaki ang tiyan kaysa kay Iza

November 19, 2022 Aster Amoyo 371 views

Iza1Iza2PicPic1Pic2

WALA na sigurong kasing saya ang nadarama ngayon ng mag sister-in-law na sina Iza Calzado at Bianca King dahil pareho nilang dala-dala ang kanilang respective first babies ng kanilang mga mister, ang magkapatid na Ben at Ralph Wintle.

Wala kaming idea kung sino sa dalawang aktres ang mauunang manganganak dahil kung pagbasehan ang laki ng kanilang tummy ngayon, mas malaki di hamak ang kay Bianca. Pero hindi naman ang laki ng tiyan ang basehan kundi yung tamang buwan ng kapanganakan.

Kung hindi kami nagkakamali early next year nakatakdang magsilang ng kanilang first baby sina Iza at Bianca. Ang hindi nga lamang sigurado ay kung sino sa dalawa ang mauuna.

Masayang-masaya rin ang magkapatid na Ben at Ralph.

Sina Ralph at Bianca ay nagkakilala sa beach wedding nina Iza at Ben in Palawan nung 2018. They got married on June 4, 2021 sa mismong living room ng couple in Sydney, Australia kung saan sila ngayon naka-base. Ang pag-relocate in Australia ang dahilan kung bakit tinalikuran ni Bianca ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.

Samantala, it took Iza and Ben four years bago nagbuntis ang actress.

Pic3

Ricky Rivero sinusuportahan ang mga plus size women

WE’RE glad to see actor-director Ricky Rivero sa press launch ng Philippine Plus Size Fashion Stream, isang fashion event na na tatampukan ng 14 plus size models na gaganapin sa Ballroom ng Okada Hotel and Casino sa darating na December 28, 2022 at 7 pm kung saan siya mismo ang magdi-direk.

A plus size himself, halos lahat ng mga kalahok sa plus size fashion stream ay may kani-kanyang story to tell na may kinalaman sa kanilang pagiging mataba. Halos lahat ng mga plus size models ay nakaranas ng pambu-bully since they were young until they were all grown-up hindi lamang mula sa ibang tao kundi maging sa kanilang respective families. May iba sa kanila ay nag-attempt mag-suicide dahil ang pakiramdam nila ay wala na silang pag-asa na mabuhay nang normal na hindi in-ostresize ng mga tao. Marami rin sa kanila ay nawalan ng confidence sa kanilang mga sarili. Pati mga taong malalapit sa kanilang mga puso ay hindi naging supportive sa kanila at hindi matanggap ang kanilang pagiging mataba. Gustuhin man nilang magpapayat, halos lahat sila ay may medical condition kaya hin rin maiwasan ang kanilang patuloy na pagtaba,

Ang plus size models ay dumaan sa two-day audition hanggang mapili silang 14.

All the plus-size models ay magsu-suot ng iba’t ibang casual and evening gowns na gawa ng mga kilalang fashion designers. Kasama sa kanilang isusuot ang swimwear.

Isa sa creator at organizer ng Philippines Plus Size Stream ay si Josefine Dalaya, 40 years old, a single mother of a 13-year- old adopted son. Ginawa niya itong advocacy for plus size women para matulungang ma-boost ang kanilang self confidence

Since isa itong fund-raising event, magiging beneficiary ang Kasuso Foundation na tinutulungan din ng actor-comedian and successful vlogger na si Ogie Diaz.

SUBSCRIBE, like and SHARE. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo snd Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE