Default Thumbnail

Bgy elections

October 19, 2023 Allan L. Encarnacion 124 views

Allan EncarnacionKAILANGANG malinaw kung saan hinugot ang lumalawak na suporta sa Palenstino matapos ang madugo at malagim na pag-atake ng Hamas sa Israel.

Sa partikular na insidente, hindi dapat maging kontra-bida ang Israel dahil sila ang inatake at sila ang sinugod mula sa pananahimik na gabi. Dapat silang suportahan at simpatiyahan sa kanilang sinapit.

Malalim ang isyu ng Palestine at Israel na kung uugatin ay wala tayong karapatang husgahan kung sino ang tama at kung sino ang mali. Lupa o teritoryo ang pinag-ugatan ito na ang may kagagawan ay ang mga bansang dating sumakop sa kanila.

Ang worldwide condemnation sa Israel ay nagmumula sa banta ng pagbulura sa Gaza, ang pagputol sa supply ng tubig at kuryente, ang ultimatum sa lahat ng nasa Gaza strip. Pero hindi ito nangangahulugang bida ang Hamas at suportado ng mundo ang ginawa nilang masaker sa mahigit dalawang libong mamamayan, bata, matanda, babae at lalaki.

Hindi rin puwedeng sabihing bida ang Hamas sa pagdukot nila sa daan-daang sundalo, mga mamamayan at dayuhan sa Israel.

Kinokondena natin ang anumang paraaan ng karahasan at kailanman ay hindi ito dapat suportahan.

***

Arangkada na ang kampanyahan sa barangay.

Ang panawagan natin sa mga botante, sipain na ang mga barangay tagay na walang nagawa sa barangayan.

Ngayong matutuloy na ang eleksiyon sa katapusan ng buwan, tapusin nyo na rin ang termino ng mga pabaya mula sa kapitan hanggang sa mga barangay kagawad.

Pero iyong mga maayos naman ang serbisyo mula’t mula, bigyan nyo rin ng bagong termino.

[email protected]