Default Thumbnail

Bebot sumilong, nakatakas sa ulan, pero hindi sa gunman

May 11, 2023 Steve A. Gosuico 213 views

ALIAGA, Nueva Ecija — Patay ang isang babae nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang motorcycle-riding suspek matapos siyang sumilong sa isang tindahan habang bumubuhos ang malakas na ulan dito noong Martes ng gabi.

Kinilala ni provincial police information chief Captain Franklin D. Sindac ang napatay na si Eden Puno, may asawa, ng Poblacion Sur, Licab, Nueva Ecija.

Sinabi ng pulisya na inalerto sila ng isang concerned citizen tungkol sa pamamaril dakong 7:40 p.m. at nangyari sa Purok 1, Bgy. San Felipe.

Lumabas sa imbestigasyon na dahil sa ulan, sumilong ang biktima sa JJB Store pagkatapos ay biglang sumulpot ang gunman sa likod ng babae at walang sabi-sabing binaril ang biktima sa likod ng ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan nito bago tumakas at sumakay ng motorsiklo patungong Cabanatuan City.

Sinabi ni Sindac na dinala ang bangkay ng biktima sa Balot Funeral Services sa Bgy. Rajal Norte, Sta. Rosa para sa autopsy at post-mortem examinations.
Iniimbestigahan pa ang insidente.

AUTHOR PROFILE