Crime

Bebot, 24, dedo sa 5 tama ng bala sa Laguna

December 13, 2023 Gil Aman 124 views

PATAY ang isang 24-anyos na babae ng barilin ng isa sa dalawang suspek 10:15 p.m. Martes ng gabi sa Purok 1, Bgy. San Lucas 1, San Pablo City.

Kinilala ni Police PLT. Col. Wilhelmino Saldivar, hepe ng San Pablo City police, ang biktima na si Felmez Dela Cruz, residente ng Purok 5 Bgy. San Rafael, San Pablo City.

Nasawi ang biktima mula sa limang tama ng 9mm bala sa katawan.

Ayon sa pulisya, ang biktima na inihatid sa naturang lugar sakay ng isang sedan. Habang may kausap ito ay dumating ang isang motorsiklong sakay ang mga suspek na nakasuot ng pulang long sleeve shirt at itim na helmet. Ang bumaril ay nakaitim na long sleeve shirt at maong pants.

AUTHOR PROFILE