Mandanas Makikita si Batangas Gov. Hermilando Mandanas (gitna) sapagdiriwang ng ika-120 taon ng pagkakatatag ng Batangas State University. Kuha ni JOJO CESAR MAGSOMBOL

Mandanas dumalo sa pagdiriwang ng ika-120 taon ng pagkakatatag ng BSU

December 13, 2023 Jojo C. Magsombol 141 views

DUMALO si Batangas Gov. Hermilando Mandanas sa pagdiriwang ng ika-120 taon ng pagkakatatag ng Batangas State University at 1st Anniversary bilang The National Engineering University, sang-ayon sa Republic Act 11694, nitong Martes, ika-12 ng Disyembre 2023, sa BatStateU, Pablo Borbon Main Campus, Lungsod ng Batangas.

SA kanyang mensahe, ipinahayag ni Gov. Mandanas ang kanyabng paghanga nya sa BatStateU sa malaking ambag ng institusyon sa pagbibigay ng palagiang makabagong inobasyon at mataas na kalidad na edukasyon sa unibersidad, na kinikilala bilang kauna-unahang engineering university sa buong Pilipinas.

Samantala, ginawaran ng unibersidad ng Sertipiko ng Pagkilala sina Gov. Mandanas at Dr. Romelito Marasigan, Department Head ng Provincial Veterinary Office, sa pagiging katuwang ng pamahalaang panlalawigan ng BatStateU sa maraming larangan.

AUTHOR PROFILE