
Kelot tigok sa saksak ng kainumang utol
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Patay ang isang lalaki matapos saksakin umano ng kainumang kapatid sa Sitio Bukid, Bgy. Balele, Tanauan City, Batangas, noong Lunes.
Ayon sa Tanauan City police ang biktma ay nakilalang si Eric Pachica.
Napag-alamang nag-iinuman ang magkapatid bandan 5 p.m. ng Dec. 11, 2023, nang sila ay magtalo. Nasaksak umano ng kapatid na si alyas Ronaldo ang biktima sa dibdib.
Idineklarang dead on arrival ang biktima sa Corachea General Hospita ni Dra. Saphire Corachea habang ang suspek ay inaresto ng rumespondeng barangay tanod.
Samantala, sugatan ang isang lalake na nakilalang si Eduardo Villanueva matapos pagbabarilin ng di-kilalang suspek sa Purok 1, Bgy. Talaga, Tanauan City, Batangas, ayon sa Tanauan City police.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na nagmamaneho ng pampasaherong jeepney ang biktima nang pagbabarilin ng suspek na sakay ng motorsiklo bandang 6:20 p.m.
Tinamaan ang biktima ng bala sa mukha habang tumakas ang suspek patungo ng Tanauan City.