Bea

Bea gagawa ng isang Hollywood movie

October 1, 2021 Aster Amoyo 455 views

Bea1NAKATAKDANG gumawa ng Filipino-Hollywood war film ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo na pinamagatang “Angel Warrior” sa isang taon.

Gagampanan ni Bea ang papel ni Tala during the pre-war era at World War II nung masakop ang bansa ng mga Hapon. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang i-produce ng founder at CEO ang Inspire Studio na si Francis Lara Ho, John Shepherd at Sen. Manny Pacquiao (na kandidato ngayon sa pagka-Pangulo ng bansa).

Bea is also about to start her first movie under GMA Pictures na co-venture with Viva Films and APT Entertainment, ang local adaptation ng Korean movie na “A Moment to Remember” na pamamahalaan ni Nuel Naval who also directed Viva Films’ “Miracle in Cell #7” ni Aga Muhlach na isa ring Korean movie adaptation.

May TV series din umanong sisimulan si Bea sa kanyang bagong home studio, ang GMA.

GuroVirtual Gabay Guro event tampok ang malalaking celebrities

SA kabila ng challenges na kinakaharap ng lahat dahil sa pandemic, patuloy ang flagship advocacy program for teachers sa pamamagitan ng Gabay Guro ng PLDT-Smart Foundation na ang misyon ay ang pagbibigay ng training, connectivity and computerization, gadgets, scholarships, classrooms, livelihood projects, tributes, digital innovations at assistance sa mga Filipino teachers nationwide.

Gabay Guro is partnering with 47 schools at almost 2,000 scholars nationwide ang kanilang natulungan at 1,063 na sa mga ito ay nag-graduate na with 30% of them with honors, at mahigit 60,000 teachers ang kanilang na-train sa buong bansa face to face at mahigit kalahating milyong teachers ang sumailalim ng virtual training sa pamamagitan ng Gaby Guro’s Teachers’ Training “Learning Never Stops” digital series. Sa pamamagitan ng program, marami na rin silang schools na na-provide ng internet connections at nakapag-create na rin sila ng maraming classrooms bukod pa sa mahigit 500 computers/laptops na naipamahagi sa 16 na munisipalidad nationwide.

On Gabay Guro’s 14th year at pangalawang taon ng pandemya, muling magbibigay ang Gabay Guro ng pagkilala sa mga teacher sa pamamagitan ng isang virtual Grand Gathering for Teachers na magaganap ngayong araw ng Sabado, October 2 at 2 p.m na may temang “Guro sa Gitna ng Pandemya: Heroes for Digital Transformation” na matutunghayan sa Facebook page at YouTube channel ng Gabay Guro presented by Metro Pacific Investments Corporation (MPCI), and PLDT Home.

Ang nasabing event ay inaasahang sasalihan ng mahigit 500,000 teachers sa buong bansa sa pamamagitan ng pagda-download ng Gabay Guro Super App na kalangan mag-register dahil may pagkakataon silang manalo na iba’t ibang premyo na ang grand prize ay isang brand new Cheery Tiggo car at dalawang P500,000 cash prizes.

Gabay Guro is being chaired by Chaye Cabal-Revilla na siya ring Chief Finance Office at Chief Sustainability Officer ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC).

Ang 2021 Grand Gathering of stars and notable performers magkakatulong na ihu-host nina Pops Fernandez, Iza Calzado, Derek Ramsay, Atom Araullo at Dominic Roque habang ang mga performer naman ay pangungunahan ng megastar na si Sharon Cuneta, ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, ang OPM King na si Ogie Alcasid, ang concert king na Martin Nievera with other OPM greats na kinabibilangan nina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Basil Valdez at Jose Mari Chan. Habang iba’t ibang production numbers naman ang pagsasamahan nina Sam Concepcion, Rayver Cruz at Elmo Magalona; a band hits medley na tatampukan nina Nyoy Volante, Bugoy, Davey Langit, Erik Santos, Jed Madela, The Itchyworms at Randy Santiago. Ang medley naman naman ng Side A at Neocolours ay ihahatid nina Mark Bautista, Jeremy Glinoga, Jason Dy, Poppert Bernales at Christian Bautista habang ang acoustic guitar medley naman ay pagsasamahan nina Janine Tenoso, Barbie Almalbis, Ice Seguerra at Yeng Constantino. Ang iba pang performers ay sina Nonoy Zuniga, Aura Briguela, Rhap Salazar, iDOLLS, Wacky Kiray, BINI, BGYO, Vina Morales, Lara Maigue, Klarisse de Guzman, Aicelle Santos at Bituin Escalante.

Ang Grand Gathering event ay tatagal ng dalawang oras at kalahati at pangangasiwaan ni Eloisa Matias as executive producer.

Kuya KimKuya Kim papalitan si Mang Tani

TIYAK na mami-miss ng loyal viewers ng “TV Patrol” newscast ng ABS-CBN ang resident weather segment host na si Kim Atienza or Kuya Kim sa mas nakararami dahil pormal na itong nagpaalam sa primetime news program last Thursday evening, September 30 dahil siya’y magiging bahagi na ng GMA o Kapuso network effective October 2, 2021.

Ang dating resident weather reporter ng “24 Oras” news program ng GMA na si Nathaniel `Mang Tani’ Cruz ay nasa Australia na kasama ang kanyang pamilya kaya simula sa darating na Lunes, October 4 ay si Kuya Kim na ang maghahatid ng weather news.

Mabigat man sa loob ni Kuya Kim ang lisanin ang kanyang home studio (ABS-CBN) na naging tahanan niya sa loob ng 16 taon, inevitable ang mga pagbabago laluna pagdating sa sariling karera.

Although wala pang pormal na pahayag ang GMA management, may tatlo umanong programa ang naghihintay kay Kuya Kim na ang isa ay ang pagiging resident weather segment host niya ng “24 Oras” na siyang katapat na programa ng “TV Patrol” na kinabilangan niya ng 16 years since 2005 including his other programs tulad ng “Magandang Umaga,” “It’s Showtime,” “Matanglawin” at ang “Sakto” sa DZMM Teleradyo.

TeriTeri tuloy ang buhay-pulitika

PATULOY sa kanyang political career and openly gay singer-comedian na si Teri Onor who is Dexter Dominguez in real life.

Muling tatakbo sa pagka-vice mayor ng Abucay, Bataan si Teri na naging posisyon na rin niya noong 2007 bukod sa pagiging bokal ng Bataan.

Although unang nakilala si Teri bilang singer-comedian at look-alike ng superstar na si Nora Aunor, pinasok din nito ang public service kaya siya nawala noon sa noontime show na “Eat Bulaga” bilang isa sa co-hosts.

LoviLovi may British accent sa Hollywood movie

BAGO pa man lumagda ng kontrata sa kanyang bagong home studio, ang ABS-CBN ang 32-year-old singer-actress na si Lovi Poe ay may natanggap na siyang Hollywood project, ang biopic movie na “The Chelsea Cowboy” base sa buhay ng actor, gangster at lothario na si John Bindon.

Lovi plays the role of a British blues singer na si Dana Gillespie kaya pinaghandaan nang husto ng singer-actress ang kanyang role maging ang British accent sa tulong ng isang vocal coach. Ang nasabing pelikula ay pinamamahalaan ng Hollywood director na si Ben Cookson at tampukan din nina Alex Pettyfer at Poppy Delevingne, among others.

Bukod sa kanyang pamilya, mga kaibigan at fans, tiyak na proud kay Lovi ang kanyang British-US-based producer boyfriend na si Montgomery Blencowe sa kanyang bagong achievement bilang aktres.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE