Bea bumiyaheng mag-isa papuntang Spain

March 23, 2022 Aster Amoyo 149 views

Bea1IT was last March 14, 2022 nang mag-isang umalis ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo patungong Madrid, Spain. Hindi nag-share ang aktres kung ito’y solo vacation or may kinalaman sa trabaho.

In her Instagram account, Bea shared a photo na nasa loob siya ng eroplano on her way to Spain and another picture na nakitang siya’y naglalakad in her fashion attire sa isang kalye in Madrid.

Nasubukan na rin niyang mag-breakfast sa El Pimiento Verde at kumain sa isang pamosong restaurant in Madrid, ang Restaurantes La Giralda Madrid located at the Salamanca district kung saan matatagpuan ang mga kilalang restaurants ng siyudad.

It seems na ini-enjoy ni Bea ang kanyang solo trip sa Spain na hindi niya kasama ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

Samantala, isa si Bea sa natutuwa sa kanyang mga kaibigang sina Angelica Panganiban at Dimples Romana na parehong buntis ngayon. Ipinagbubuntis ni Angelica ang magiging unang supling nila ng kanyang non-showbiz boyfriend, ang Australian businessman na si Gregg Homan habang si Dimples naman ay buntis ngayon sa kanilang magiging pangatlong anak ng husband niyang si Boyet Ahmee.

EvaEva sumakabilang-buhay na

VOICE of Asia and 90’s Filipina singer na si Dessa Salazar ang nag-share sa kanyang Facebook account na sumakabilang-buhay na kamakailan lamang ang kanyang kaibigan, ang mahusay na singer na si Minerva `Eva’ Castillo na kapanabayan noon ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa “Bagong Kampeon” TV amateur singing competition at iba pang singing contests.

Si Eva ay nagmula sa isang mahirap na pamilya sa Tondo, Manila. Dahil sa hirap ng kanyang pamilya ay naging kontesera siya sa iba’t ibang amateur singing competitions at nakapag-uwi siya ng mahigit 300 trophies at awards. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin naiahon ni Eva ang kanyang pamilya sa kahirapan.

In 2009, muling na-resurrect ang singing career ni Eva nang siya’y kunin ng misis ni Ogie Alcasid na si Regine Velasquez para maging special guest sa kanyang birthday special on GMA, ang “Roots to Riches”. She was also asked to record one of GMA’s TV series theme song, ang “Kung Aagawin Mo Ang Lahat sa Akin” at kinuha rin siya noon ng TV host-comedian at entrepreneur na si Allan K. para maging regular performer sa comedy bar na Klownz in Quezon City. But that was the last time we heard of Eva na lalo umanong naging mahirap ang buhay nang dumating ang pandemya hanggang ito’y nagkasakit.

Eva was 53.

TroyTroy nag-propose na kay Aubrey

AFTER more than 18 years of being together and two kids (Hunter and Rocket) nag-propose na rin sa wakas ang Fil-Am actor-entrepreneur na si Troy Montero sa kanyang longtime live-in partner, ang actresss-entrepreneur na si Aubrey Miles habang nagbabakasyon ang dalawa sa Boracay to celebrate Miles’ 42nd birthday last March 16.

Ang actress-entrepreneur ay merong isang binatang anak na si Maurie (21) sa dati niyang karelasyon na si JP Obligacion, apo ng namayapang actor-comedian na si Oscar Obligacion. Although close si Maurie sa kanyang biological father, he’s also close to his mom’s partner, his Tito Troy who also treats him just like his own son.

When we had our exclusive interview with the couple for our online show, “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube nung isang taon ay ibinahagi na sa amin ng dalawa ang plano nilang pagpapakasal hopefully, this year.

VinceKylie nag-enjoy gawin ang pelikula ni Brillante

THIS is the very first time sa karera ng award-winning director na si Brillante Mendoza na gumawa ng kabi-kabilang pelikula for Viva Films and for streaming ng Viva Max.

Matapos ipalabas ng Vivamax ang magkakasunod na pelikula ni Direk Brillante tulad ng “Palitan” at “Bahay na Pula,” he’s back sa pelikulang “Sisid,” isang BL movie kung saan tampok na mga bituin sina Paolo Gumabao, Vince Rillon, Christine Bermas at ang dating beauty queen na si Kylie Verzosa.

Maganda ang pagkakalahad ng kuwento ng “Sisid” kung saan isang marine biologist ang papel na ginampanan ni Paolo as Jason at naging assistant naman niya sa kanyang pagda-dive ang character ni Vince bilang si Dennis. Jason is married to Abby (Kylie) who has a terminal cancer. Without Jason’s knowledge, ipinagbibilin na siya sa kanyang best friend na babae (Mayton Eugenio) sakaling mawala siya. Pero walang kaalam-alam si Jason na unti-unting nahuhulog ang kanyang loob sa kanyang diving assistant na si Dennis na nabuntis naman ang kasintahang ginampanan ni Christine Bermas.

Sa isang okasyon, nahuli ni Abby si Jason na nakikipagtalik kay Dennis sa isang baybayin at dito muling sinumpong ng kanyang sakit si Abby. Nang ma-sense ni Abby na talagang seryoso ang pagmamahal ni Dennis sa kanyang asawa, sa kanya niya ibinigay ang regalong necklace ni Jason sa kanya. Nang pumanaw si Abby, bumalik sa Mindoro si Jason at muli silang nagkita ni Dennis na kasal na sa kanyang nobya at meron na silang anak. Suot-suot ng anak ni Dennis ang kuwintas ng ibinigay niya sa kanyang namayapang misis na si Abby, na siya ring pangalan ng anak ni Dennis.

Kung pagkukumparahin ang mga intimate love scenes nina Vince at Paolo at sina Vince at Christine, mas matindi ang ginawa ng una na talagang palaban sa kanilang mga eksena sa ibabaw ng isang pump boat.

Ayon kay Vince, bago kinunan ang maiinit na eksena nila ni Paolo ay nag-usap umano silang dalawa.

“We were into our characters bilang sina Jason at Dennis,” paliwanag ni Vince na isa ring mahusay na actor.

Tuwang-tuwa naman ang bumubuo ng cast ng “Sisid” dahil it was an honor para sa kanila na makatrabaho ang Cannes Film Festival Best Director awardee.

Although walang mga intimate scenes na ipinakita si Kylie with Paolo, she enjoyed her role just the same.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE