Julia

Julia, naiyak sa pa-birthday party ni Coco

March 22, 2022 Vinia Vivar 219 views

BINIGYAN pala ng surprise birthday party ni Coco Martin ang rumored girlfriend na si Julia Montes.

The actress turned a year older last March 19, Saturday.

Ibinahagi ng cocojuls4ever fan account sa Instagram ang mga kaganapan sa birthday celebration ni Julia sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Needless to say, kilig na kilig ang CocoJuls fans sa sweetness nina Coco at Julia.

Sa isang larawan na hawak-hawak ni Julia ang pisngi ni Coco, super-kilig ang kanilang fans.

“Anong kaguluhan ‘to? Ang saya-saya talaga ng birthday ni Mara!!! Pero parang mas masaya si Coco. Masaya para sa inyong dalawa! We love you both!!” ang caption ng cocojuls4ever.

Nag-post din ng video si Rosanna Roces, isa sa cast members ng FPJAP, at dito ay makikitang nagkakantahan ang staff ng birthday song habang naglalakad si Julia papasok sa set. Halatang touched na touched ang aktres at du’n pa lang ay napaiyak na siya.

Sa dulo ay makikita si Coco na hawak ang cake.

Sa video naman na ibinahagi ng production designer na si Nancy Arcega ay makikitang napaiyak si Julia habang nagpapasalamat sa inihandang surprise birthday party sa kanya sa set.

“Sobrang blessed ko na naging part ako ng FPJ’s Ang Probinsyano,” emosyonal na sabi ni Julia sa kanyang speech.

Katabi niya si Coco na halatang super-happy rin.

Sweet na sweet ang rumored couple sa video kaya naman kilig-to-death ang kanilang fans.

PATOK SA MASTERCLASS SERIES

HINDI nga lang ang Kapuso celebrities at news personalities ang tinututukan ng participants ng ongoing GMA Masterclass Series ng GMA Network. Patok din sa young audience mula sa iba’t ibang schools ang Kapuso screenwriter, series creator at creative consultant na si Suzette Doctolero.

Nitong Perbrero, nagsimula na ang pag-ikot ng GMA Masterclass Series sa Visayas at this March nasa Mindanao naman ito.

Layunin nitong bigyang-kaalaman ang mga Pilipino lalo na ang kabataan at mga botante para sa Eleksyon 2022.

At balita nga namin ay napabilib ni Suzette ang attendees sa Cebu, Cagayan de Oro at Davao.

Game na game kasi siya sa pagsagot sa mga tanong.

Matatandaang si Suzette ang nasa likod ng maraming hit GMA dramas tulad ng Amaya, Encantadia, My Husband’s Lover at Legal Wives.

Ilan pa sa mga Kapuso na nag-share ng kanilang kaalaman sa Visayas leg ay sina Rabiya Mateo, Jose Sarasola, Sandra Aguinaldo, Audrey Domasian, Darylle Marie Sarmiento, Adrian Prietos, Raffy Tima, Joselito Natividad, Janus Victoria, Nikko Sereno, Ivan Mayrina at Lou Anne Mae Rondina.

Last March 15, kasama ni Suzette para sa Mindanao leg sina JR Royol, Doc Nielsen Donato, Julia Claire Medina at Cyril Chavez sa Cagayan de Oro.

Noong March 16, sina Suzette, Mariz Umali, Alex Jemimah Castro, Sarah Hilomen-Velasco, Jose Sarasola at Christian Bautista ay nasa Davao naman bago sila pumuntang General Santos City nu’ng March 17 kasama si Jandi Esteban.

Sa March 24, makakasama ni Suzette sina Bianca Umali, Rita Daniela, Raffy Tima, Darling De Jesus-Bodegon, Theodore Jason Patrick Ortiz at Hilomen-Velasco sa Zamboanga City.

AUTHOR PROFILE