Beadom

Bea at Dominic, natatakot mag-honeymoon sa Maldives

January 22, 2024 Vinia Vivar 128 views

Aminado si Dominic Roque na ang magiging priority nila ni Bea Alonzo ay magkaroon ng baby at makabuo ng pamilya.

“’Yun naman talaga ang napag-usapan na namin before. Parehas naman kaming nasa tamang edad to have a family or to have a baby, and ako talaga, sobrang mahilig talaga ako sa bata,” sey ni Dom nang makatsikahan namin sa thanksgiving party ng Luxe Beauty and Wellness Group recently.

“Growing up, inalagaan ko ang mga anak ni Tita Juday (Judy Ann Santos), you know, I’ve been there with them, ‘yung mga pamangkin ko, lalo na may mga pamangkin na rin akong dalawa na lalaki’t babae, and naisip ko na gusto ko rin ng sarili ko,” aniya.

“Siyempre, gusto rin naman niya (Bea) na magkaroon ng baby and siyempre, ayun ang dapat naming maging priority also after the wedding,” he added.

Napag-usapan nga umano nila ni Bea na girl ang gusto nilang maging first baby.

Bakit girl ang gusto nila?

“Mas malambing kasi usually ang mga babae sa dad, eh. Actually, any naman. As long as healthy na mailabas, pero siyempre, kung papipiliin ako, mas gusto ko babae,” sey ni Dom.

Sobrang ready na siyang maging daddy at ngayon pa lang ay iniisip na raw niya ang mga gagawin nila kapag nagka-baby na sila.

Asked kung saan ang honeymoon nila, aniya ay wala pa silang naiisip.

“Naisip namin dati, Maldives, pero hindi pwede sa Maldives, eh, marami nang namatay na tao sa Maldives, eh. Lately, nagkaka-problem din sila do’n,” sey ni Dominic.

AUTHOR PROFILE