Dominic

Bea at Dominic, nagkabalikan na pero Cristy, may hirit na naman

March 11, 2024 Eugene E. Asis 160 views

BeaNAGKABALIKAN na raw sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ayon ito sa report ni Cristy Fermin sa kanilang vlog na ‘Showbiz Now Na’ kasama sina Rommel Chika at Wendell Alvarez.

Pero paglilinaw nila, ito’y isang usap-usapan pa lamang at may nagparating lamang sa kanila. At idinugtong nila na wala na silang masyadong interes sa naturang usapin. Halatang may kimkim na sama ng loob ang beteranang entertainment reporter dahil sa mga nangyari. Na kahit wala diumano silang nabanggit na mga pangalan sa kanilang programa, pinadalhan sila ng sulat ng abogado ni Dominic upang magpaliwanag.

“Puring-puri namin sila,” ani Cristy. “Sabi namin, bagay na bagay sila (Bea at Dominic). Pero matapos silang hindi magsalita tungkol sa kanilang paghihiwalay, kami pa ang napasama sa dulo.”

“Napag-usapan sila nang husto,” sagot ni Wendell. “Wala namang pumapansin dati kay Dominic, pero dahil kay Bea, marami ang nagsabi na ang guwapo pala nito Dominic.”

“Wala tayong alam ngayon kung suot na ba uli ang engagement ring, o matutuloy pa ba ang kasal?” sambit naman ni Rommel.

“Sinong pinagloloko nila?” dugtong ni Cristy. “Hay, naku, change topic na tayo.”

Sa totoo lang, kung totoo mang nagkabalikan na sina Bea at Dominic, marami ang matutuwa. Yun nga lang, tulad ng dati ay tahimik pa ang dalawa tungkol dito. Kung kailan ito ayos na ayos na upang handa na nila I-announce publiko, sila lang ang makapagsasabi.

AUTHOR PROFILE