Opisyal Ang mga opisyal ng mga iba’t-ibang ahensya sa Batangas sa ginanap na implementasyon ng PNP-COMELEC checkpoint.

Batangas PNP-COMELEC Checkpoint, ikinasa

August 29, 2023 Jojo C. Magsombol 215 views

Kampo Heneral Miguel Malvar, Batangas – Sa pamumuno ni Provincial Director Police Colonel Samson B. Belmonte sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Carlito M Gaces, matagumpay na nailunsad ang unang araw ng implementasyon ng PNP-COMELEC checkpoint.

Kaugnay nito ay matatandaang nagsagawa ng Flag Raising and Multi-Agency Send Off Ceremony of Security Forces and Resources for the 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Mabini Central School noong Agosto 28, 2023.

Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensya na pinangunahan ng Assistant Regional Election Supervisor, Attorney Margaret Joyce R. Cortez, Provincial Election Supervisor ng COMELEC Batangas Attorney Jonalyn S. Sabellano, Police Colonel Samson B. Belmonte, Lieutenant Colonel Ernesto R. Teneza, Jr. mula sa 59IB Philippine Army, Fire Superintendent Orlando A. Antonio, Jail Superintendent Arvin T. Abastillas at Coast Guard Captain Victorino Ronaldo Y. Acosta IV, Station Commander – Batangas.

Dumalo rin ang mga kinatawan ng DepEd na si Dra. Marites A. Ibañez at Honorable Allan V. Benitez ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa pagsisimula ng election period, nagsagawa ng PNP-COMELEC checkpoint ang lahat ng istasyon sa Batangas, mula alas dose ng madaling araw ng Lunes, alinsunod sa pagpapatupad ng gunban ng Commission on Elections bilang paghahanda sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections ngayong taong 2023.

Kung saan sa unang 24 oras ay walang naiulat na mga lumabag sa ipinatutupad na checkpoint.

Nasa sampung porsyento ng kabuaang bilang ng kapulisan ng Batangas ang idineploy sa unang araw ng pagpapatupad ng Comelec Checkpoint.

Regular na isasagawa ang naturang checkpoint sa probinsya hanggang sa huling araw ng election period.

“Ang atin pong kapulisan kasama ang mga opisyal ng COMELEC ay magalang na isasagawa ang naturang checkpoint sa buong duration ng election period kung kaya’t kami po ay lubos na umaasa sa kooperasyon ng bawat isa. Patuloy po naming hinihikayat ang pagsunod po ng lahat sa ipinatutupad na mga alituntunin para sa darating na eleksyon”, saad pa ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE