Bela

BASHER, NAG-SORRY KAY BELA

March 19, 2023 Ian F. Fariñas 338 views

NAG-SORRY kay Bela Padilla ang basher na nag-akusang inisnab niya sa Harry Styles Manila concert.

Sa preskon kahapon ng Yung Libro sa Napanood Ko, ang Summer Metro Manila Film Festival entry ng Viva Films na kinu-producer, isinulat, dinirek at pinagbidahan ng aktres, sinabi niya na nag-apologize sa kanya ang netizen.

Umamin din ito na imbento lang ang tweet na ginawa’t nakagulo sa aktres.

“The person tweeted me personally, apologized and said na parang, ‘I’m sorry, I lied.’ So, the person who greeted me wasn’t even there. So, ‘yun lang. Ako, be careful what you put out in the world, kung social media man ‘yan, actions or what you say, I guess laganap ang clout chasing ngayon so, kung nagpapapansin lang tayo sa isang tao or gusto lang natin kumu-call ng attention, sana hindi tayo nag-i-spread ng rumors or lies. It’s very dangerous. ‘Yun lang po. But I’m happy na nag-apologize siya. I’m okay with that.”

Ngayong klaro na ang isyu, mas makaka-focus si Bela sa Yung Libro… kung saan kapareha niya ang Korean actor na si Yoo Min-Gon.

Kasama rin sa cast sina Lorna Tolentino at Boboy Garovillo, pati na sina Hasna Cabral, Lee Suya, Boy Abunda, Malena Leonard, Goda Choi, Carole Dorothy, atbp.

Isa itong mala-fairy tale love story. Bumiyahe pa sa Korea si Bela at ang ilang cast tulad ni Lorna para kunan ang ilang eksena.

Mapapanood sa mga sinehan ang Yung Libro… simula April 8.

AUTHOR PROFILE