Barbie

Barbie nawindang sa libreng Swiftie merch

February 24, 2024 People's Tonight 132 views

Grabe ang iyak ni Barbie Forteza nang makatanggap ng merchandise ni Taylor Swift mula sa isang kaibigan.

Ibinahagi ng aktres ang larawan ng mga merch mula sa Melbourne leg ng Eras Tour na ibinigay sa kanya ni Rain Matienzo.

Kabilang rito ang beige T-shirt na kapareho ng isinuot ni Kathryn Bernardo sa Eras Tour in Melbourne.

Caption ng Kapuso actress, “GRABE KA. @rainmatienzo

Thank you soooo much.”

Sagot naman ng Sparkle talent “’di kita makakalimutan whenever there’s anything about taylor swift 😙💗 love you sosososo much!”

Kalakip din sa post ni Barbie ang video kung saan ay makikitang super cry siya habang nagpapasalamat kay Rain.

“Oh my God,” umiiyak niyang sey, “thank you.”

Sa mga hindi aware, matagal nang Swiftie (tawag sa fandom ni Taylor Swift) si Barbie at isa nga siya sa mga nadismaya nang hindi kasama ang Pilipinas sa Eras Tour.

Napaiyak si Barbie sa tuwa dahil talaga namang napakahirap makakuha ng merch at tickets sa Eras Tour bilang lagi itong sold out.

AUTHOR PROFILE