Default Thumbnail

Barbero, tinapos ang buhay dahil ‘lovesick’

March 14, 2022 Jonjon Reyes 324 views

MISMONG sa loob ng barber shop nadiskubeng nakabitin ang leeg ng isang 28-anyos na barbero sa Pandacan, Maynila, umaga nitong Linggo.

Ang biktima ay stay-in sa kanyang pinagtatrabuhang Chandler Barber Shop sa Beata Street, Bgy. 838 Zone 91, Pandacan.

Base sa ulat nina Det. John Teody Seguen at Det. Christian Joseph Pineda ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), pasado alas-9:00 ng umaga, nang madiskubreng nakabitin ang leeg ng biktima sa loob ng barbeya. amit ang itim na leather belt na nagdulot ng pagkamatay nito.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, mag-isa lamang ang biktima sa barber shop at huling nakita itong buhay ng bandang alas-8:00 ng gabi nang Marso 12 ng isang Drouel Remeter, nagmamay-ari ng naturang barberya.

Ayon sa salaysay ni Remeter sa pulisya, isang kustomer na alyas “Jomar” na isang menor de edad ang nagtungo sa barber shop para sana magpagupit subalit nakita ni Remeter na sarado pa ang loob nito at kinatok niya umano ito ng ilang beses pero walang sumasagot.

Dahil dito, naisipan na lamang na puwersahin ang pagbukas ng pinto at tumambad ang nakabigting biktima sa kisame ng barberya.

Dito na sila nakipag-ugnayan sa nakakasakop na Bgy. 838 na nakipag-koordina sa MPD-Pandacan Police Station 10 na kinordon ang lugar bago tumawag sa Homicide Section.

Ayon sa salaysay naman ng kasamahan ng biktima sa barber shop mrahil dahil sa umano’y nagsosolo lamang ang stay-in, malimit na nag-iisip ito sa kanyang nobya.

Ang labi ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya kung may nangyaring foul play. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE