Heart

Balitang hiwalayan nina Heart at Sen. Chiz maugong

September 10, 2022 Aster Amoyo 440 views

MATUNOG ang balita na umano ay may marital problem ang mag-asawang Sen. Francis `Chiz’ Escudero at Heart Evangelista lalupa’t naging sunud-sunod ang mga cryptic post ng Kapuso singer-actress, visual artist, entrepreneur, fashion icon, celebrity endorser at philanthropist sa kanyang Instagram account. Nariyan pa ang plano ni Heart na bumili ng bahay or condo sa Paris kung saan siya madalas pumunta.

As of now ay wala pang statement na nagmumula sa mag-asawa o isa man lamang sa kanila kung may katotohanan o wala ang mga naglalabasang balita.

Ang speculation ng netizens ay nagsimula last August nang baguhin ng Kapuso singer-actress ang pangalan ng kanyang Instagram account. Ngayon ay Heart Evangelista at Love Marie na lamang ang nakalagay pero naroon pa rin sa kanyang description ang word na Wife.

May isa naman kaming source na nagparating sa amin ng balita na `inaayos’ umano ni Sen. Chiz ang kanilang problema ni Heart.

The couple was last seen together nung July 30, 2022 at the GMA Thanksgiving Gala Night na ginanap sa Shangri-La at the Fort in Bonifacio Global City and the following month ay nagsimula na ang mga espekulasyon na nagkaka-problema na umano ang pagsasama ng mag-asawa (of more than 7 years).

Diego

Diego at Franki may relasyon na ba?

IS there something special going on between the two lead stars of the movie “Pabuya” na sina Diego Loyzaga at ang PBB housemate -turned actress na si Franki Russell?

The movie “Pabuya” directed by Philip Giordano is set to be released on Vivamax on October 7, 2022. It also features Jela Cuenca, Felix Roco, Jiad Arroyo and Marco Gomez.

Bukod sa pagiging model at YouTuber, ang Fil-New Zealander na si Franki ay naging bahagi rin ng “FPJ’s Ang Probinsyano” action-drama TV series where she played the role of PMSgt. Hannah Robles (2019-2020).

Ang “Pabuya” ay first lead movie ni Franki na umaasang magtutuluy-tuloy ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.

Fernandez

Mark Anthony at Grae magandang pagsamahin sa isang project

IN a rare occasion, young actor Grae Fernandez was reunited with his actor father na si Mark Anthony Fernandez with whom he has a younger brother (from their mother na si Melissa Garcia) na si Rudolf Venedictors and half-brother, ang 6-year-old na si Leandro sa non-showbiz girlfriend ni Mark na si Diana Guerrero.

Si Grae ay huling napanood sa hit primetime drama series na “Ang Sa `Yo ay Akin” in 2021 kung saan siya ipinareha sa young actress na si Kira Balinger. Siya’y nasa pangangalaga ng Star Magic ng ABS-CBN since 2014.

Si Mark Anthony ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency.

Maganda siguro kung pagsasamahin ang mag-amang Mark Anthony at Grae sa isang proyekto.

Beauty

Beautederm patuloy ang paglago

NON-STOP ang Beautederm president and CEO na si Rhea Anicoche-Tan sa pagpapalago ng kanyang negosyo sa pamamagitan ng patuloy na pag-develop ng iba’t ibang produkto na patuloy na tinatangkilik ng mga loyal patrons ng Beautederm kaya naman patuloy din siya sa pagdagdag nga mga popular brand ambassadors now numbering to more than 70, nearing 80.

Ang latest brand ambassadors ng Beautederm ay ang controversial social media superstar na si Zeinab Harake at ang Kapuso actress na si Beauty Gonzales who were both presented to the entertainment media and vloggers last Friday (September 9) sa Luxent Hotel in Quezon City.

Parehong grateful sina Beauty at Zeinab na kasama na sila sa pamilya ng Beautederm na dati-rati ay pinapangarap lamang umano nila.

Kahit milyonarya na si Zeinab dahil sa kanyang pagiging successful social media influencer, natutuwa siya na pinagkakatiwalaan din siya ng ibang tao tulad ng kanyang pagiging brand ambassador ng Beautederm.

Although reluctant pa siya sa pagiging isang actress, open umano siya na subukan ito dahil kakaiba umano ito sa kanyang ginagawa ngayon.

Si Zeinab ay pangalawang social media star na kinontrata ng Beautederm. Nauna na sa kanya ang isa pang social media star na si Jelai Andres na may almost 7.5M subscribers on YouTube alone.

Samantala, bubuksan na sa publiko (in Angeles City, Pampanga ngayong buwan ng September ang Beaute Haus, ang 7-storey building na ipinatayo ni Rhea which will not only be the biggest beauty clinic in Pampanga but the entire Central Luzon. Dito na rin matatagpuan ang Beauderm office, at magkakaroon ng function rooms, coffee shop, A-List boutique shop at iba pa.

Ang mag-asawang JC Santos and Shyleena Jerrera-Santos kasama si Beauty Gonzales ang tatayong brand ambassadors ng Beaute Haus.

Naghahanap na rin ang successful business woman ng lote in Metro Manila kung saan niya ipapatayo ang kanyang panibagong building which will cater naman sa mga client in the metro.

Beautederm has also satellite offices in Cebu and Davao at meron na ring distributions sa ibang bansa at kasama na rito ang Singapore na ang shop ay matatagpuan sa Lucky Plaza.

Beautederm is the only beauty brand which has the most number of well-known brand ambassadors.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE