Default Thumbnail

Balikbayan nanghalik ng 11 anyos, kulong

March 15, 2022 Melnie Ragasa-limena 424 views

ARESTADO ang 32-anyos na balikbayan makaraang halikan sa labi ang 11-anyos na batang babae na anak ng kaniyang ka-barangay sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Agad namang naaresto ang suspek na si Valentino Manuel Zipagan, 32, may asawa, Overseas Filipino Worker (OFW) at naninirahan sa No. 169 Sitio Lambak, Brgy. Krus na Ligas, Quezon City.

Sa report ng Anonas Police Sation (PS 9), bandang 6 p.m. (March 13) nang maganap ang insidente sa Tiburcio Extension, Brgy. Krus na Ligas, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PSsg Michaela Martin ng Women and Children Protection Desk ng PS 9, pumunta mano ang suspek sa bahay ng 11-anyos upang bisitahin ang ina nito.

Pero nang malaman ng suspek na wala pa ang ina ay inakyat nito ang bata at agad na masiil na hinalikan ang bibig ng biktima.

Pagdating ng nanay ay nagsumbong ang bata kay naman agad na ipinaaresto nito ang suspek.

Inihahanda na ang kasong Acts of Lasciviousness ng R.A 7610 laban sa OFW.