Frasco NEW TRA–Pinangunahan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco (gitna) ang inagurasyon ng Tourist Rest Area (TRA) sa Roxas, Palawan kasama ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan at lokal ng lalawigan na sina Gobernador Victorino Dennis Socrates na kinatawan ni Board Member Roseller Pineda, House Speaker at Legislative Caretaker ng 1st at 3rd District ng Palawan Speaker Ferdinand Martin Romualdez na kinatawan ni Jose Fernando Escalante at Roxas Mayor Dennis Sabando.

Bagong TRA sa Roxas, Palawan binuksan

April 13, 2024 Jonjon Reyes 124 views

BINUKSAN ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco noong Biyernes ang Tourist Rest Area (TRA) sa Roxas, Palawan.

Magsisilbi bilang pit stop para sa mga manlalakbay ang TRA na matatagpuan sa national highway sa Brgy. Sandoval at San Nicolas sa Roxas.

“Layunin po natin na mag-ikot sa buong Pilipinas dala-dala ang mga proyekto sa imprastraktura sa ilalim ng administrasyon ng ating Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Kasi po ‘yung direktiba ng Presidente sa akin malinaw: “We have to enhance the overall tourist experience, that our tourists enjoy their stay, they will stay longer, and they will come back again and again.”

Ibinahagi ni Frasco ang dedikasyon ng departamento sa pagtulong sa mga local government units na iangat ang kanilang mga inisyatiba sa pagpapaunlad ng turismo.

Ipinakita ng mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan at lokal ng Palawan ang kanilang pasasalamat sa matagumpay na inagurasyon at turnover ng flagship TRA sa Roxas.

“Natitiyak ko na itong Tourist Rest Area sa ibaba ng kalsada hindi lamang magpapakalma at mag-accommodate sa mga turista, ngunit higit sa lahat, magbubukas ng mga bagong pintuan para sa mas maraming aktibidad na pangnegosyo na mag-udyok ng mas mabilis na paglago ng ekonomiya sa Roxas.

Sana, ang mga aktibidad na ito lilipat din sa mga lugar na kalapit ng Roxas,” sabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isang mensahe na ibinigay ng kanyang kinatawan na si Jose Fernando Escalante.

Samantala, sinabi ni Roxas Mayor Dennis M. Sabando na bagama’t nakatutok ang munisipalidad sa iba pang sektor, bukas sa mas maraming aktibidad na darating upang mapalakas ang ekonomiya ng bayan.

May mga TRA din sa Manolo Fortich, Bukidnon; Island Garden City of Samal (IGaCoS), Davao del Norte; Dauis, Bohol; Carcar City at mga bayan ng Carmen, Medellin, Moalboal sa Cebu.

AUTHOR PROFILE