Christian

Babae ang dahilan ng husay ni Christian

November 5, 2023 Aster Amoyo 291 views

Christian1MASUWERTE ang award-winning actor na si Christian Bables dahil pumasok ang kanyang bagong movie na pinagbibidahan, ang “Broken Hearts Trip” sa Magic 10 ng 2023 Metro Manila Film Festival out of 30 finished films na pinagpilian ng MMFF Selection Committee. Ang nasabing pelikula na dinirek ni Lemuel Lorca mula sa story ni Lex Bonife at screenplay ni Archie del Mundo ay tinatampukan din ng actor-director na si Andoy Ranay, Teejay Marquez, Marvin Yap, Petite, Iyah Mina, Jaclyn Jose kasama sina Jay Gonzaga, Ron Angeles, Argel Saycon, Tart Carlos, Arnold Reyes, Kevin Posadas at Sinon Loreca. Ito’y joint production ng BMC Films at Smart Films.

It was in the 2016 Metro Manila Film Festival nang umalagwa ang pangalan ni Christian bilang isang mahusay na actor nang kanyang gampanan ang gay role as Barbs Cordero sa pelikulang “Die Beautiful” na pinagbidahan ng TV host-actor-comedian na si Paolo Ballesteros. Ang nasabing pelikula ay nakapagbigay kay Christian ng tatlong Best Supporting Actor tropries mula sa tatlong award-giving bodies, ang Metro Manila Film Festival (MMFF), Gawad Urian at Luna Awards ng Film Academy of the Philippines. Magmula noon ay naging in-demand na si Christian both sa pelikula at telebisyon .

Ang isa pang pelikula na nakapagbigay ng parangal kay Christian ay ang “Signal Rock” na dinirek ni Chito Rono which he also produced and released thru Regal Entertainment. He was named Best Actor ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) at FAMAS Awards at sa 7th GEMS Hiyas ng Sining Awards. He was also awarded as Best Leading Actor sa ika-5th Hanoi International Film Festival for the same movie.

In 2021, si Christian din ang tinanghal na Best Actor ng Metro Manila Film Festival for the movie “Big Night” na siya ring nagbigay sa kanya na Best Actor trophies mula sa 19th Asian Film Festival at 5th Entertainment Editor’s Choice Awards.

Ang pelikulang “Broken Hearts Trip” ay pangatlong MMFF movie ni Christian na inaasahang lalaban na naman sa Best Actor award come December 27 sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival.

“I am excited to win an award pero hindi ako umaasa,” pahayag ng 30-year-old actor during the presscon of the movie na ginanap sa Fin & Claw Grill in Timog Avenue, Quezon City.

Ang pagkakapasok ng pelikulang “Broken Hearts Trip” ay pangatlong MMFF movie na ni Christian at magsisilbing advanced birthday gift sa kanya on his 31st birthday on December 6.

“I am grateful na pumasok ang pelikula namin sa MMFF,” pahayag ni Christian . “Sana po tangkilikin nila ang movie namin maging ang iba pang kalahok sa MMFF,” aniya.

Samantala, inamin ng actor na una siyang nakaranas ng pagiging heart broken when he was in high school and most recently sa isang flight attendant na naging kasintahan niya.

Nung high school siya, sobra umano siyang pinaasa ng girl na kanyang nililigawan only to find out na meron na pala itong ibang napupusuan.

“Sobra akong nasaktan,” pagbabalik-tanaw ni Christian.

`Yung pain na naranasan noon ni Christian ay binabalikan umano siya sa tuwing may mga drama scenes na kailangan niyang gawin.

Si Christian ay nagtapos ng Communication Arts sa De La Salle – Dasmarinas (Cavite) nung 2013 at sumailalim ng ng Master’s Class on Star Magic’s workshop nung 2015.

Good health at pagbabalik ng manonood sa sinehan, birthday wish ni Ate Vi

Vilma1VilmaVilma2BIRTHDAY wish ng Star for All Seasons at dating politician na si Vilma Santos ay good health para sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay gayundin ang pagbabalik ng mga tao sa sinehan laluna sa darating na Metro Manila Film Festival kung saan kalahok ang reunion movie nila ni Christopher de Leon, ang drama romance na “When I Met You In Tokyo”.

Kadalasan ay sa ibang bansa nagsi-celebrate si Vi ng kanyang kaarawan with her family but this time, she spent her birthday with her family at malalapit na kaibigan.

Ang pelikulang “When I Met You In Tokyo” ay balik-tambalan nina Vi at Boyet sa loob ng dalawang dekada na hindi sila nagsama at pang-24th movie nila together.

Sina Vi at Boyet lamang ang nakagawa ng napakaraming pelikula bilang magkapareha at lahat ay tumabo sa takilya. Pero sa kabila ng kanilang pagiging successful loveteam on screen, never na-link ang dalawa at tanggap ng kanilang mga fans na meron silang ibang partners in real life.

Bukod sa balik-tambalan nila ni Boyet ang “When I Met You In Tokyo,” magsisilbi rin itong comeback movie ni Vi in years dahil mas tinutukan niya ang kanyang pagiging isang public servant.

Significant din kay Vi ang kanyang 70th birthday dahil natupad na rin ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling apo sa kanyang panganay na si Luis Manzano na si Baby Peanut (Isabelle Rose) who is her mini-me.

‘SRR’ Extreme makakatapat ng pelikula ni Maricel

IzaFIRST time na mapapanood ang successful movie franchise na “Shake, Rattle & Roll Extreme” ng Regal Entertainment outside Metro Manila Film Festival dahil hindi ito napili ng selection committee ng MMFF para pumasok sa 10 official entries ng filmfest this year kaya nagdesisyon ang pamunuan ng Regal na ito’y ipalabas sa darating na November 29, 2023, ilang linggo bago ang pagsisimula ng MMFF on December 25, 2023.

Ang horror anthology series ay nagsimula nung 1984 up to the present time.

Hindi man nakapasok sa 2023 MMFF ang “Shake, Rattle & Roll Extreme,” marami ang naniniwala na papasukin pa rin ito ng mga manonood simula sa Noember 29. Ang trilogy horror movie ay magkakahiwalay na pinamahalaan nina Jerrold Tarog, Richard Somes at Joey de Guzman at tinatampukan nina Iza Calzado, Jane de Leon, Jane Oineza, Paolo Gumabao, RK Bagatsing, AC Bonifacio, Rob Gomez, Donna Cariaga, Angel Guardian, Miggs Cuaderno at iba pa.

Makakasabay naman ng showing ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” ang family drama movie na “In His Mother’s Eyes” kung saan tampok na mga bituin sina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos na siyang movie directorial debut ng mahusay na TV drama director na si FM Reyes under 7K Entertainment Productions.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE