Larawan: Awra Briguela/IG
Awra kamukha na si Catriona
MALAPIT daw ang resemblance ni Awra Briguela kay former Miss Universe Catriona Gray.
Sa latest post ni Awra, umani ito ng papuri sa netizens dahil sa ganda daw ng kanyang face value. Inihalintulad nga ang kanyang ganda kay Catriona at maging sa artistang si Andrea Brillantes.
Mukha namang aminado sa pagiging blooming si Awra dahil sa kanyang caption na, ““You look happier” is the best compliment you can receive.”
Narito naman ang komento ng ilang netizens: “Pretty, just like the flowers.”, “You deserve happiness!!! Ganda palagi.”, “I love your complexion, very beautiful.” at “You look happier and you deserve to be happy.”