Mamasapano

Awards, ‘icing on the cake’ para sa ‘Mamasapano’ producer

November 13, 2022 Ian F. Fariñas 351 views

ICING on the cake.”

‘Yan ang tingin ng Borracho Films producer na si Atty. Ferdinand Topacio sa pananalo ng kahit anong parangal para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Mamasapano: Now It Can Be Told.

Dahil action movie at pulos lalaki ang bida sa pangunguna nina Edu Manzano (bilang Gen. Benjamin Magalong), Aljur Abrenica (bilang Lt. Franco) at Paolo Gumabao (bilang Supt. Raymond Train), wala silang pambato sa best actress category.

Paliwanag ni Atty. Topacio, “This is an action movie, eh. Although kung… ‘eto, ha, sasabihin ko sa inyo… kung discerning ‘yung mga hurado — hindi ko sila pinangungunahan, ha, kung discerning ‘yung mga hurado at they will go behind ‘yung heavy drama etcetera, ang galing ng pagka-arte ni Edu Manzano rito as Gen. Magalong.

“So, sa akin, it doesn’t matter, eh. Ang importante, napalabas at kung magkakaroon ng awards, it’s just icing on the cake.”

Puring-puri naman ng abogadong producer ang male cast ng Mamasapano…

“Intense, intense! At pati pag-aaksyon nila, bumilib ako,” patungkol niya kina Edu, Aljur at Paolo.

“Actually, the movie nu’ng nakita kong tapos na, exceeded all our expectations. Napakaganda talaga.

“We owe it to the director. Ang ganda nu’ng photography, maniwala ka! Very innovative si Paul Magsino. Pati ‘yung editing. Siya na rin ang editor, eh.

“So, it was really a collective effort. Kami ‘yung nag-revise ng script. Ako na ‘yung nag-compose ng theme song. Kami na rin ang naglagay ng musical scoring. ‘Yung cinematography, location, kami na rin ang nag-location scout.

“Puro kami na rin. Sana ‘pag pinalabas, hindi lang kami ang manood. May ibang manood,” dugtong niya.

Samantala, kasama rin sa movie si Claudine Barretto sa isang special na papel bilang Mrs. Erica Pabalinas. May maikling paglabas din sina Ritz Azul at Myrtle Sarrosa.

Mula sa direksyon ni Lester Dimaranan, ang Mamasapano… ay mula sa panulat ni Eric Ramos.

AUTHOR PROFILE