Ate Vi

Ate Vi maunahan pa kaya si Ate Guy bilang National Artist?

June 21, 2021 Joey Aquino 602 views

OUT na si Vilma Santos sa presidential race.

Ito ang kanyang malinaw na mensahe nang umayaw siya sa nominasyon ng 1Sambayanan para national elections 2022. Isa ang Star for All Seasons sa inilabas na potential candidates ng nasabing coalition para maging pambato nito as President or Vice President. Aniya, mas magpu-focus na lang muna siya para tulungan ang kanyang constituents sa gitna ng pandemya bilang 6th District Representative ng Batangas.

Malawak ang karanasan ni Ate Vi sa public service. Bukod pa rito, maganda ang kanyang track record. Kaya naman mabango ang pangalan niya sa showbiz at pulitika. Noon pa man, hinihimok na siyang tumakbo sa higher position gaya ng bilang Vice President at Senador. Ngunit sadyang mahal niya ang mga kababayan niyang Batangueño at ‘di siya nagpapatangay sa mga bulong para sumabak sa isang national position. Pero sa kabila nito, marami pa rin ang nag-uudyok sa aktres para tumakbo bilang Pangulo o Vice President.

Sa mundo ng showbiz, wala na siyang dapat patunayan pa. Pero aminado si Ate Vi na marami pa siyang gustong karakter na gampanan sa pelikula. Kaya ‘di pa rin siya tuluyan nagre-retiro sa pagiging artista. At mukhang wala ito sa kanyang bokabularyo. Sa ngayon, ang pagiging National Artist na lang yata ang kulang para makumpleto na ang kanyang pagiging aktres. Isa ang kanyang pangalan na lumabas bilang nominee para sa National Artist for Film ngayong 2021. Maunahan pa kaya ni Ate Vi ang kanyang perennial rival na si Nora Aunor na tanghaling National Artist? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE