Default Thumbnail

Arci nagbukas ng Japanese-Korean restaurant

June 21, 2021 Aster Amoyo 539 views

WHEN some businesses including restaurants are closing shops dahil sa pandemic, kakaiba naman ang singer-actress and Philippine Air Force reservist na si Arci Munoz dahil nagbukas ito kamakailan lamang ng sariling Japanese-Korean fusion restaurant, ang Yoshi-Meat-Su sa O-Square. Wala pa ang pandemic ay naroon na ang plano ni Arci na magtayo ng sarili niyang restaurant na na-postpone lamang dahil sa pandemic.

A big fan ng Japanese manga and Korean K-pop particularly ang BTS group, si Arci ay nag-aral din ng Japanese language pati ang pagsusulat in Hiragana and Katakana maging ang Korean Hangun. Dahil dito, pinaghalo niya ang Japanese at Korean fusion cuisine sa kanyang itinayong restaurant.

At 32, si Arci na lamang sa kanilang magkakapatid ang walang asawa.

Arci started her showbiz career when she joined the talent reality show ng GMA, ang Starstruck in 2005. Bago siya naging Kapamilya ay naging talent siya ng GMA at TV5 for sometime.

Although there was a time na na-link si Arci sa kapamilya singer-actor na si JM de Guzman, never umano naging sila liban sa pagiging close na magkaibigan lamang.

Celebrity couples sabay na nagpabakuna

MARAMI na ring showbiz couples ang sabay-sabay na nagpabakuna against Covid-19 at ilan sa mga ito include longtime sweethearts Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto, Rico Blanco at Maris Racal at iba pa.

Dahil sa pagbabakuna ng mga celebrity, tiyak na marami ang mai-engganyong magpa-vaccine laluna yung may agam-agam pa kung sila’y magpapabakuna ba o hindi.

McCoy at Elisse mas matamis ang pababalikan

SANDALING nag-break ang magkasintahang McCoy de Leon (26) at Elisse Joson (25) at dun sa time na wala na sila ay doon lamang nila pareho na-realize na mahal pa pala talaga nila ang isa’t isa.

Si McCoy ang nag-reach out kay Elisse kung kanino siya humingi ng sorry.

Sina McCoy at Elisse ay naging malapit sa isa’t isa sa loob ng PBB house kung saan sila pareho nagsimula. Ipinagpatuloy naman nila ang kanilang respective showbiz career nang sila’y lumabas sa bahay ni Kuya.

McCoy admits na pareho umano silang nag-mature ni Elisse maging ang kanilang relasyon ngayon at seldom na umano silang mag-away.

Si Elisse ay nasa pangangalaga pa rin ng Star Magic habang si McCoy ay nasa bakuran na ng Viva. First project niya ang TV series na “Puto” with Herbert Bautista na nagsimulang mapanood sa TV5 last Saturday ng 6 p.m. and every Saturday thereafter.

He is also starting a movie project under Viva labas pa sa musical film na “Yorme” ni Manila Mayor Isko Moreno kung saan niya kasama ang singer-actor na si Xian Lim at iba pa.

Janella at Markus hands-on parents kay Jude Trevor

COME October 20 ay magi-isang taon ang baby ng magkasintahang Janella Salvador at Markus Paterson na si Jude Trevor na isinilang sa hometown ng Fil-Brit actor sa United Kingdom nung isang taon.

Hindi ikinakaila ng young couple na pareho umano silang hands-on parents pagdating sa pag-aalaga kay Baby Jude pero thankful ang magkasintahan dahil nariyan ang mom ni Janella, ang singer-actress na si Jenine Desiderio just in case kailanganin nila ang tulong nito lalupa’t parehong balik-trabaho ngayon ang dalawa.

Aminado pareho sina Janella at Markus na pareho umano silang nag-mature ang naging pananaw sa buhay pagdating ng kanilang anak na si Baby Jude.

Mas inspired umano silang magtrabaho ngayon dahil kinakailangan nilang paghandaan ang magandang future ng kanilang anak. Although malapit nang mag-isang taon si Baby Trevor, hindi pa rin pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa plano nilang pagpapakasal.

Janella and Markus became young parents at age 22 pero pareho na silang 23 ngayon.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE