Default Thumbnail

Antipolo LGU handa na sa cityhood anniversary

March 30, 2023 People's Tonight 167 views

Tampok ang grand float parade ng mga bgy

ANTIPOLO, mag-ingay! Ikinasa na ng Antipolo City Local Government Unit (LGU) ang masaya at makulay na pagdiriwang ng kanilang ika-25th Cityhood Anniversary.

Sinabi ni Antipolo City Mayor Jun Ynares, sa “silver anniversary” ng lungsod ay magiging “engrade” ang anibersaryo.

Isang parada ang isasagawa kung saan tampok ang mga tourist attractions ng siyudad.

Magtatagisan rin ang mga naggagandahang floats ng mga barangay kung saan may temang “Disney Pixar” na tiyak na kagigiliwan hindi lang ng mga bagets, pati na rin ang mga “young-at-heart.”

“Tayo na’t ipagdiwang ang 25th Cityhood Anniversary ng Antipolo! Kaya magkita-kita po tayo sa ating Grand Float Parade sa April 1, 2023, 4 p.m. mula Sumulong Park hanggang Ynares Center,” pahayag ni Mayor Jun.

“Sasamahan pa tayo ng dalawang special guests sa pagbibigay ng tuwa’t saya sa mga Antipolenyo,” paghihikayat pa ni Mayor Jun. Matapos ang parada ay magkakaroon ng libreng concert.

Paalala pa rin ni Mayor Jun, patuloy na maging maingat laban sa COVID-19, at magsuot pa rin ng face masks at magdala ng alcohol para sa disinfection.

Sinabi pa ni Mayor Jun, na bukas ang pagdiriwang ng anibersaryo ng lungsod sa mga bisita lalo na sa mga turista.

“Tawagin na ang tropa at barkada, at tayo na’t magsaya sa 25 taon ng pananampalataya, malasakit, katatagan, at pag-unlad. Happy 25th Cityhood Anniversary, Antipolo!” sinabi ni Mayor Jun.

AUTHOR PROFILE