Annabelle

Annabelle sa manugang na si Alexa: Para sa akin, ikaw ang pinakamagandang kalbo

January 24, 2024 Vinia Vivar 281 views

Humingi ng dispensa si Annabelle Rama sa manugang na si Alexa Gutierrez na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na leukemia.

Alexa, wife of Elvis Gutierrez, has been diagnosed with Acute Lymphoblastic Leukemia at kasalukuyang sumasailalim sa chemotherapy.

Ibinahagi ni Annabelle ang latest photo ng manugang at nagpahayag ng kanyang damdamin sa kundisyon nito.

“Sorry Alexa ngayun lang ako nag comment sayu kasi sobrang affected ako sa nanyari sayu. Hindi parin ako makapaniwala. Kasi ang bait bait mong manugang at sobrang masinop sa asawa at mga anak mo,” simula ni tita Annabelle.

“Matagal kang nakatira sa akin, gf/bf palang kayu ni elvis hanggang sa ikasal at magkaanak kayu ay magkasama parin tayu sa bahay kaya para na talaga kitang tunay na anak.

“Alam mong hindi ako vocal sa nararamdaman ko pero alam kong alam mo na mahal kita na parang anak ko na. Kaya alam kong gagaling ka,” mensahe ng Gutierrez matriarch kay Alexa.

Sinabi rin ni Tita Annabelle na hindi niya napigilang umiyak at ipinahayag ang pagmamahal sa manugang.

“Habang pinapatext ko ito hindi ko mapigilan umiyak. I love you Alexa! Don’t worry nakalbo ka, para sa akin ikaw ang pinaka magandang kalbo! ❤️❤️❤️,” aniya.

Nangako rin si Tita Annabelle kay Alexa na hindi nila pababayaan ng asawang si Eddie Gutierrez ang mga anak nito.

“Huwag kang mag alala sa mga bata. Nanditu kami ni eddie para subay-bayan ang mga anak mo habang nag papagaling kapa. Pinagdasal kita everday at pinagsindihan kita ng kandila sa Sto Nino sa cebu for your fast recovery,” mensahe pa ng nanay nina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez.

AUTHOR PROFILE