Annabelle Larawan mula sa IG/@annabelleramaig

Annabelle Rama ‘lumambot puso’ kay Cristy Fermin

December 14, 2023 People's Tonight 216 views

LUMAMBOT ang puso ng aktres at talent manager na si Annabelle Rama sa beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin matapos ang ginawa nitong pagtatanggol sa kanya.

Sa Facebook page ni Annabelle, naikuwento niya ang naging history nila ng kolumnista. Sey niya ay nagkaroon pa sila ng away noon na nauwi pa sa demandahan.

“Siguro mga 25years ago, nag katapat na kami nyan, dahil naman sa pag tatanggol ko kay Ruffa. Grabe away namin noon, nag ka demandahan pa kami hanggang sa supreme court. After that incident, iniwasan ko na sya dahil ayaw ko na sya makita,” pahayag ng talent manager.

“This time lumambot ang puso ko sa kanya, dahil nanay rin siya at may mga anak rin at alam nya na tama ang ginagawa ko sa pag kampi ko sa anak ko, kaya nya ako naintindihan,” pagpapatuloy pa ni Annabelle.

Ayon pa sa kanya, tinawagan niya si Cristy upang makausap at magpasalamat sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya.

“Cristy, salamat sa maganda mong sinulat sa akin. Merry Christmas and Peace Be With You,” saad ng actress-talent manager.

Matatandaang ipinagtanggol ni Cristy sa kanyang online show na ‘Cristy Ferminute’ mula sa netizens matapos nilang bansagang “bondying” ang aktor na si Richard Gutierrez nang kampihan siya ng inang si Annabelle sa kumakalat na isyung hiwalayan nila ni Sarah Lahbati.

“Wala pong magulang talaga na papayag na ang kanyang anak ay kawawain lalo na kung alam niya ang totoong kuwento. Walang ganoon talagang magulang,” sey ng kolumnista.

AUTHOR PROFILE