Edd Reyes

Ang totoong “status quo” sa isyu ng West Philippine Sea

April 24, 2024 Edd Reyes 115 views

MAY kasabihan na ang kagandahan ng isang lugar ay kumporme sa tumitingin.

Halimbawa rito ang pananaw ng ating mga kababayan sa kagandahang ng West Philippine Sea (WPS) na nasa ating exclusive economic zone (EEZ) na saganang lugar bilang pangisdaan dahil kanlungan ito ng iba’t-ibang uri ng mga isda at iba pang lamang dagat.

Pero sa China, ang ating EEZ ay isang lugar na magandang pagtayuan ng kanilang military outpost, airstrip, at pasilidad pang-komunikasyon upang mapalawak and kanilang teritoryo para sa kanilang lumolobong populasyon.

Sa mga Tsino, kapag nangisda sa EEZ ang mga Pinoy, isa raw itong panghihimasok habang ang supply mission naman sa Ayungin Shoal para sa ating mga sundalo, isa raw provocation.

Kung kabaliwan man ang tingin ng China sa ginagawa ng pamahalaan para depensahan ang kanilang pambu-bully, mas kabaliwan siguro ang ginawang sikretong kasunduan sa pagitan ng dating Pangulong Digong Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Ang sinasabi kasing status quo sa nangyaring kasunduan ay panganib sa nalalabi pang teritoryo ng bansa at hindi katanggap-tanggap sa mga Pilipinong nagmamahal sa kalayaan lalu na’t may Pangulo ngayon tayong hindi isusuko kahit isang pulgada ng ating teritoryo.

Ang dapat na maging status quo ay ang pagkilala ng buong mundo sa desisyon ng UNCLOS na nagkakaloob ng karapatan sa Pilipinas sa teritoryo sa WPS na hindi kinilala ng China.

Kung tutuusin, wala naman talaga tayong kalaban-laban sa China kung giyera ang pag-uusapan pero may mga hakbang si Pangulong Bongbong Marcos upang hindi ito mangyari tulad na lang ng matagumpay niyang pakikipagpulong kina President Joe Biden ng USA at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na dapat siyang papurihan.

Pero may ilang bumabatikos dito na hindi pinatulan ng Pangulong BBM dahil bilang isang respetadong lider ng bansa, hindi siya pumapatol sa mga personal na pag-atake, maliban na lamang kapag ang nakasalalay ay usaping pambansa tulad ng nangyaring sikretong kasunduan.

Pero siyempre, hindi naman ipagkikibit-balikat lang ni PBBM kung ang mga pekeng balita na ipakakalat ng kanyang mga detractor kung magreresulta ito sa pang-aapi na sa mga Pilipino. Ganyan kataas ang pagrespeto ng ating Pangulo sa mamamayang Pilipino.

Navoteño solo parents, tumanggap ng P3k

TUMATANGINTING na P3,000 cash ang tinanggap na tulong ng may 381 solo parents sa Navotas City na katumbas ng P1,000 kada buwan mula Enero hanggang Marso sa mga kuwalipikadong Nanay na Tatay pa.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, naipatupad nila ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga kuwalipikadong solo parents batay sa ipinasang Ordinansa na naglaan ng salapi para sa 500 NayTay sa ilalim ng Gender and Development Fund.

Kuwalipikadong tumanggap ang mga solo parents na kumikiya ng hindi lagpas sa minimum wage at walang tinatanggap na iba pang tulong salapi mula sa pambansang pamahalaan o mga NGO, pati na ang mga tumatanggap na ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Hinimok pa nga ni Mayor Tiangco ang iba pang kuwalipikadong solo parents na magparehisto sa kanilang social welfare office dahil para talaga sa 500 NayTay ang inilaan nila ngayong taon dahil batid niyang hindi madali ang magpalaki ng mga anak kung ikaw ay nag-iisa lamang sa buhay.

Bukod nga pala sa P500 na buwanang allowance, may P1,000 pang taunang allowance ang mga solo parents sa Navotas para naman sa pag-aaral ng kanilang anak.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected]

AUTHOR PROFILE