Arcilla

Ang dahilan ng luha at tuwa sa buhay ni John Arcilla

August 17, 2022 Aster Amoyo 268 views

Arcilla1Arcilla2Arcilla3

ANIM na taon ang inilagi ng award-winning actor na si John Arcilla, ang main villain and most-hated character na si Renato Hipolito na naging mortal na kaaway ni Cardo Dalisay played by Coco Martin sa recently-concluded action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sobrang tumatak sa mga manonood ang karakter na may pagkakataon na ito na ang tawag sa kauna-unahang Filipino and first Southeast Asian actor na nanalo ng Volpi Cup (for Best Actor) mula sa 78th Venice International Film Festival kung saan ay kahilera na niya ang A-List Hollywood and internationally -renowned actors na sina Brad Pitt, Sean Penn, Ben Affleck, Vincent Gallo, Silvio Orlando, Colin Firth, Philip Seymour, Oscar Martinez, Martin Eden, Gotz George, Liam Neeson, among others.

Nasungkit ni John ang Volpi Cup para sa pelikulang “On The Job: The Missing 8,” a Filipino crime-thriller film na dinirek ni Erik Matti nung isang taon which lead him being signed-up by Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Although marami nang Best Actor and Best Supporting Actor awards at iba pang mga parangal ang natanggap ni John mula sa iba’t ibang award-giving bodies sa Pilipinas, he considers Volpi Cup his biggest achievement to date, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa buong Pilipinas.

Of course, hindi rin matatawaran ang kanyang kauna-unahang first lead sa award-winning historical biopic na “Heneral Luna,” his biggest and one of the most expensive films ever-produced by a local producer at kumita sa takilya ng P240M plus. Ang nasabing pelikula ay pinamahalaan ni Jerrold Tarog who also co-wrote the story. The movie was shown in 2015 and made him very popular as an actor.

Inamin ng actor that he almost gave up his acting career sa Pilipinas at makipagsapalaran sa Amerika dahil may nag-circulate na balita na kesyo lumaki na ang kanyang ulo at sky-high na umano ang kanyang talent fee.

Sa halip na maging sunud-sunod ang kanyang proyekto ay tila iniwasan siya ng mga producer both sa TV at sa pelikula. Pero may isang tao na hindi kumagat sa mga maling tsismis kay John, si Direk Lauren Dyogi (na siyang head ngayon ng Star Magic) at siya’y isinama sa isang proyekto ng ABS-CBN at siyang nagpatotoo na walang katotohanan na nagbago na si John. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang dating ng mga proyekto niya hindi lamang sa Kapamilya network kundi maging sa ibang produksyon.

Nang magsimula ang “FPJ’s Ang Probinsyano” in September 2015, hindi agad napasama si John sa nasabing serye dahil may iba pa siyang mga commitments noon at kasama na rito ang kanyang TV series sa GMA, ang “Encantadia” where he played the role of Hagorn. Nang matapos ang nasabing serye, John joined “Ang Probinsyano” in 2017 kung saan siya naging bahagi hanggang pagtatapos nito nung nakaraang August 12, 2022.

Pero bago pa man magtapos ang “Ang Probinsyano” ay may naghihintay nang bagong serye para sa kanya, ang “Dirty Linen” kung saan isang kakaibang character naman ang aabangan sa kanya.

Just like any other actor o ordinaryong tao, marami ring mga pagsubok ang pinagdaanan ni John sa kanyang buhay.

Unknown to many, dalawang beses kinapitan ng deadly virus na COVID-19 sI John. Una sa Amerika nung late December 2020 at pangalawa nung September 9, 2021.

John was staying with his cousins in San Diego, California, USA nang kapitan silang lahat ng virus but they all refused to get hospitalized dahil alam na nila na kung sila’y papasok ng hospital ay hindi na umano sila makalalabas na buhay.

He was prepared to go at nagbilin na rin siya sa kanyang mga pinsan kung sakaling may mangyari sa kanya. Hindi niya ito ipinaalam sa kanyang pamilya sa Pilipinas dahil ayaw niyang mag-worry pa sila.

He prayed hard at napakinggan naman ang kanyang mga dasal dahil pagkalipas ng mahigit isang buwan ay gumaling siya pati mga pinsan niya. In February 2021 ay bumalik siya ng Pilipinas at sumalubong naman ang pagyao ng kanyang amang si Dominador Arcilla, not of COVID kundi dahil sa katandaan. Ang masaklap, hindi niya nasaksihan ang burol at libing ng kanyang ama dahil sa takot na maging carrier siya ng virus sa kanyang pamilya. Almost four months later ay sumunod naman ang kanyang elder brother na Covid-19 ang ikinamatay.

John was so devastated lalupa’t ang kanyang kuya ang kanyang biggest fan and supporter. Pero hindi roon nagtapos ang matinding pagsubok kay John at sa kanyang pamilya. On September 1, his youngest and favorite sister passed on at Covid-19 din ang ikinamatay.

Three loved ones in just a matter of seven months was too much for him to bear. He was also in the middle ng taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” and was about to leave for Venice, Italy where he was nominated as Best Actor for the 78th Venice International Film Festival pero nawalan na siya ng lakas ng loob na umalis kahit may ticket na siya.

Although nasa gitna si John ng grieving, kinapitan naman siya ng Covid-19 sa ikalawang pagkakataon nung September 9, 2022 which also hindered him to leave. Two days later on September 11 habang siya’y naka-quarantine ay ibinalita sa kanya ang pagkakapanalo ng Volpi Cup for Best Actor for his sterling performance sa pelikulang “On The Job: The Missing 8”.

Nagsilbi itong booster sa kanya at hindi umano niya napigilan ang mapaiyak lalo.

“It was mixed emotions,” aniya.

“I was in grief tapos may dumating na magandang balita, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko nung mga panahon na `yon,” pag-armin pa ng award-winning actor.

John is a very good actor, a good son and a good brother to his siblings and doting uncle sa kanyang mga pamangkin but he is also a human being just like anyone of us na nasasaktan, natutuwa at umiiyak.

To us, si John ang makabagong Eddie Garcia of his generation in terms of acting, professionalism, discipline at pakikipagkapwa-tao.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of ‘TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE