Julia

Book 2 ng ‘Probinsyano,’ desisyon ng management — Coco

August 18, 2022 Vinia Vivar 399 views

Hindi pa masabi ni Coco Martin kung may book 2 ang FPJ’s Ang Probinsyano matapos ang successful run nito sa telebisyon for almost almost years.

May balita kasing magkakaroon ng book 2 ang nasabing serye na matatandaang nagtapos last Friday.

Marami rin ang nagri-request na sana nga ay magkaroon pa ito ng another season.

“Actually, hindi ko pa alam, honestly,” sabi ni Coco sa panayam ng ABS-CBN. “Nakarating sa akin ‘yun pero siyempre, management ang magdedesisyon.”

Anu’t anuman daw, basta makakapagpasaya sa mga tao ay okay sa kanya.

“Sa akin kasi, kung ano ‘yung makakapagpasaya sa mga manonood,” aniya.

Sinagot din ni Coco ang ispekulasyong ang susunod na iri-remake nila ni Julia Montes ay ang Batang Quiapo na pinagbidahan din noon ng yumaong Da King Fernando Poe Jr. at Maricel Soriano.

“Honestly, hindi pa, hindi ko pa alam. Ayaw pa akong gambalain ng mga boss, eh, or pag-usapan, pagmitingan. Siguro, after ng mga tour, ng mall shows, eh, meron pa kaming US tour. Saka namin siguro pag-uusapan kung anong next,” sey ng aktor/direktor.

GUMAGANDANG KWENTO

Lalo pang gumaganda ang kuwento ng Lolong na pinagbibidahan ni Ruru Madrid kaya naman parami pa nang parami ang tumututok dito gabi-gabi at patuloy na humahataw sa ratings.

Nitong Lunes ay umabot sa 17.3% ang combined NUTAM people rating ng Lolong noong Lunes (August 15) base sa overnight data ng Nielsen Phils. TAM.

Marami pang kaabang-abang na mga eksenang dapat tutukan lalo pa’t magpaparamdam na ang mga Atubaw laban sa pang-aapi ng mga Banson.

Kilalanin din ang mga bagong karakter na ipakikilala sa bagong yugto nito: Sina Vin Abrenica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell at Lucho Ayala.

Anu-ano kaya ang gagampanan nila sa buhay ni Lolong?

Siyempre pa, mas marami ring dapat abangan sa karakter nina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan at Paul Salas.

Ngayon ngang balik-’Pinas na si Ruru, i-expect na mas marami pang paandar ang programa.

Nitong weekend ay nagtungo sa Cebu ang Kapuso aktor kasama ang leading lady na si Shaira para sa isang Kapuso mall show.

Magiging bahagi rin ang Lolong ng Kadayawan Festival sa Davao sa weekend.

Ang bestfriend naman ni Lolong na si Dakila, game na game rin sa pag-iikot sa buong bansa. Nagkaroon pa sila ng bonding nitong Lunes kung saan sumakay sila sa isang ultra light plane at lumipad sa ere.

Saan kaya ang susunod na #DaksSpotted?

Mapapanood ang Lolong mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA at GTV.

AUTHOR PROFILE