Almira

Almira ikakasal uli

November 13, 2023 Aster Amoyo 351 views

Almira1MATAGAL nang hiwalay ang ang actress, make-up artist, dating member ng “That’s Entertainment” and half-sister ng actor-entrepreneur na si Aga Muhlach na si Almira Muhlach sa kanyang ex-husband, ang actor at dating popular PBA player na si Paul `Bong’ Alvarez with whom she has three beautiful daughters na sina Alyssa, Aila at Ina.

Taong 2011 nang magkahiwalay ang dalawa matapos ang halos 18 taong pagsasama. Pagkakaroon ng bisyo sa droga ni Bong ang naging mitsa ng kanilang paghihiwalay.

Although matagal nang walang komunikasyon si Almira sa dating mister, patuloy naman ang ugnayan ng kanilang tatlong anak sa kanilang ama bagay na hindi pinipigilan ng aktres.

Matagal na ring may ibang karelasyon si Almira, ang kanyang non-showbiz partner na si Erwin Lim na kamakailan lamang nag-propose ng marriage sa kanya habang sila’y nagbabakasyon sa Saudi Arabia. Ang proposal ay ginanap sa Banyan Alula, isang luxury desert resort na nung October 22 lamang binuksan with Mariah Carey performing sa opening day.

“Officially engaged,” pagbabahagi ni Almira sa kanyang IG account last November 9.

“It took nearly a decade but it finally happened in “God’s Perfect Time”.

“While we were on vacation in Alula Saudi and enjoying a night filled with love and laughter, I never expected this beautiful moment to happen,” pagbabahagi niya sa kanyang Instagram account.

“It was indeed the greatest surprise of my life!!!” patuloy pa niya.

“ILYSM my Dee!!! Thank you to much for making this trip the MOST memorable one everrrr!!!.”

Inulan naman ang bagong engaged couple ng mga pagbati at kasama na rito ang kanyang mga dating kasamahan sa dating youth-oriented program ng GMA, ang “That’s Entertainment” tulad nina Sunshine Cruz, Beth Tamayo, Ana Roces, Maricar de Mesa at marami pang celebrity friends tulad nina Cristina `Kring-Kring’ Gonzales, Geneva Cruz, Tootsie Guevarra, Connie Sison, Meg Imperial, Pinky Amador at marami pang iba.

Si Almira ay nakababatang half-sister ng magkapatid na Arlene at Aga Muhlach sa kanilang namayapang amang si Cheng Muhlach.

Natutuwa naman para sa kanilang ina at Tito Erwin ang magkakapatid na Alyssa, Aila at Ina.

Jhassy hindi ininda ang sampal ni Gladys

JhassyGladysNANG ihayag ng Metro Manila Film Festival selection committee ang natitirang apat plus two na pelikulang bubuo ng ten official entries ng 2023 Metro Manila Film Festival out of 30 finished films submitted, 24 na pelikula ang hindi pinalad na makapasok at kasama na rito ang launching movie ng young singer-actress na si Jhassy Busran, ang family-drama movie na “Unspoken Letters” na magkakatulong na pinamahalaan nina Mario Gatdula Alaman, ang Italian director, cinematographer at editor na si Paolo Bertola at assistant director na si Andy Andico under Utmost Creatives Production. Tampok din sa nasabing pelikula ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, Simon Ibarra, Gladys Reyes, Matet de Leon, Daria Ramirez, Deborah Sun, Orlando Sol, John Hendrick, Kristine Samson at MJ Manuel at iba pa. Ito’y produced ng Utmost Creatives Motion Pictures. Dahil dito, minabuti ng mga producer na ipalabas ang nasabing pelikula before the Metro Manila Film Festival sa darating na December 13, Wednesday.

Bukod sa tatlong director, hiwalay na humarap sa entertainment press ang award-winning singer-actress na si Jhassy at hindi nito ikinakaila na magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman ngayon na malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang maituturing niyang launching movie where she plays the role of Felipa na isang special child.

“I prepared for the role,” aniya.

“I also did my own research para mabigyan ko ng hustisya ang papel na ipinagkatiwala sa akin,” dugtong pa niya.

“Kinabisado ko rin ang script bago ako nag-report sa set,” diin pa niya.

Thankful ang baguhang actress sa kanyang strong support cast dahil hindi umano siya pinabayaan at sa halip ay naging supportive pa ang mga ito sa kanya.

Nasaktan man siya sa totoong sampal sa kanya ni Gladys Reyes, honored umano siya na naka-eksena at nasampal umano siya ng isang Gladys Reyes sa pelikula. Pero sa halip na siya (Jhassy) ang umiyak at kabaliktaran ang nangyari dahil si Gladys ang napaiyak pagkatapos ng eksena. Sobrang naka-relate umano ang misis ni Christopher Roxas sa character na ginagampanan ni Jhassy as Felipa dahil meron din siyang kapatid, her only brother na may ganito ring kundisyon.

Ayon kay Jhassy, hindi umano niya ininda ang sakit ng sampal sa kanya ni Gladys na napaka-realistic umano sa kanilang eksena.

The young singer-actress also emphasized na marami umano ang makaka-relate sa movie at maraming aral ang mapupulot at matututunan.

Mga anak ni Melai tuwang- tuwa sa ina

MelaiMelai1HINDI makakalimutan ng singer, actress, comedienne at TV host na si Melai Cantiveros ang kanyang naging experience in South Korea while filming her Filipino-Korean action-comedy movie na “Ma’am Chief” na dinirek ni Kring Kim under Pulp Studios at showing na sa mga sinehan simula ngayong November 15.

Tuwang-tuwa naman ang dalawang anak nina Melai at Jason na sina Mela at Stella nang dumalo sa premiere night ng pelikula na ginanap sa SM Megamall last Saturday night dahil dumating ang mga ito na naka-police costume dahil police ang character ng kanilang mommy in the movie.

Magandang relasyon nina Sunshine at Cesar patuloy

CesarCesar1PATULOY ang magandang relasyon ngayon ng dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz maging ang kanilang tatlong anak na sina Angelina, Sam at Cheska at present partner ng actor-director na si Kath Angeles.

Sa recent recital ng second daughter ng dating couple na si Sam na ginanap sa RCBC Plaza in Ayala, Makati City recently, dumalo ang former couple gayundin ang young actor na si Diego Loyzaga, anak ni Cesar sa actress na si Teresa Loyzaga. Kasama rin ni Cesar si Kath.

Si Diego ay very close sa kanyang younger half-siblings.

It was in August last year sa 18th birthday ni Sam nang unang magtagpo ang dating mag-asawa sa kaarawan ng kanilang second daughter after years of not seeing and communicating with each other after their break-up in 2013. Kasama pa noon ni Sunshine ang kanyang ex-boyfriend na ngayon na si San Juan councilor Macky Mathay habang kasama naman ni Cesar ang kanyang partner ngayon na si Kath Angeles. Since then ay naging okey na ang former couple maging kay Kath at sa kanilang tatlong anak ni Cesar.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE