JM

Alessandra may malaking hinaharap bilang direktor

August 16, 2022 Aster Amoyo 491 views

MARAMI ang naniniwala na malayo ang mararating ng actress, writer-turned director na si Alessandra de Rossi sa aspeto ng pagiging isang mahusay na director. Ito’y kanyang pinatunayan sa kanyang directorial debut which she also co-wrote and co-starred in with Piolo Pascual in the hit Netflix streaming movie, “My Amanda” na ipinalabas nung isang taon. Pero wala pang ibinabahagi ang nakababatang kapatid ng actress na si Assunta de Rossi sa kanyang magiging next directorial project.

Sa ngayon, abala si Alessandra (or Alex) sa bagong movie na pagtatambalan nila for the first time ng singer-actor na si JM de Guzman, ang “What If…” na pamamahalaan ni Direk Manny Palo who also co-directed the romance-thriller movie, “Love Lockdown” in 2020 kung saan kabilang si JM along with Angelica Panganiban at ang dating magkasintahang Kylie Verzosa at Jake Cuenca.

Although hindi pa sini-share nina Alex, JM at Direk Manny ang tema at magiging kabuuan ng pelikula at ibang makakasama sa cast, excited pareho sina Alex at JM sa kanilang magiging unang tambalan sa movie.

Samantala, bukas pa rin sa kanyang acting career ang nakatatandang kapatid ni Alex na si Assunta de Rossi matapos nitong isilang ang kanyang `miracle child’ sa kanyang businessman husband, ang dating politician na si Jules Ledesma na si Fiore who’s turning two sa darating na October 23.

Rio dating Darna, kasama sa bagong version

NATUTUWA ang veteran actress na si Rio Locsin na pagkatapos niyang magbida sa iconic character na Darna sa pelikulang “Bira, Darna, Bira!” in 1979 (na dinirek ni Tito Sanchez under MBM Production at kung saan din naging tampok sina Romnick Sarmenta (as Ding), Veronica Jones, Joonee Gamboa, Rez Cortez, Ruel Vernal, Moody Diaz, Dinno Cortez at iba pa, ay muli siyang mapapasama sa bagong Darna adaptation on TV, ang “Mars Ravelo’s Darna” na pinagbibidahan ni Jane de Leon. This time, Rio is playing the grandmother nina Narda at Ding (Zaijian Jaranilla).

Dahil sa mga makabagong teknolohiya, napakalayo na ng pagkakagawa ng Darna ngayon kumpara sa kanyang version noon.

In her over four decades sa industriya, she gets to work with actors of different generations na naging learning experience din niya.

Rio was formerly married to actor-director Al Tantay with whom she has two grown up daughters na sina Paula at Jabba. Hindi nagtagal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa and the former couple have both remarried, Al with a non-showbiz lady, while Rio with former basketball player-turned Evangelical Christian pastor na si Padim Israel. Ang mag-asawa ay may isang anak na babae, si Jose.

Gina

Direk Gina single at walang planong mag-retire at 63

VETERAN actress-director Gina Alajar (Regina Liguid Alatiit) admits that she was a teen-age mom when she gave birth to her eldest son na si Ryan Eigenmann. She got pregnant at age 17 and gave birth when she turned 18 courtesy of her boyfriend then na si Michael de Mesa who is one year her junior.

Unang nakilala ni Gina si Michael when she was fourteen. She was paired with him for a magazine cover pictorial na sinundan ng pagpunta ng actor sa kanyang 14th birthday na na-play-up ng entertainment media at ng yumaong actor-comedian, radio and TV host, ang yumaong si Ike Lozada sa kanyang mga programa sa radio at telebisyon.

Although mga bata pa noon sina Gina at Michael, it was the actor’s dad, former Sampaguita matinee idol Eddie Mesa who convinced them to get married. At sila’y nagpakasal nung 1978 sa Santuario de San Jose in Greenhills. Ang kanilang pagsasama bilang young couple ay muling nabiyayaan ng dalawa pang anak na parehong lalake, sina Geoff at AJ Eigenmann. Pero, nauwi sa hiwalayan ang pagsasama ng dalawa pagkalipas ng 23 years in 2001.

Hindi ikinakaila ng actress-director na sobra umano siyang nasaktan sa kanilang paghihiwalay which took her over a year to recover and move on with her life without Michael. Pero sa kalaunan ay unti-unti siyang naka-recover lalupa’t naging busy rin siya sa kanyang trabaho bilang actress at director at malalaki na rin at that time ang kanilang tatlong anak na sina Ryan, Geoff at AJ na lahat pumasok sa showbiz except for AJ na maagang nag-quit sa showbiz to relocate in the U.S.

Gina is happily single. Bukod sa kanyang trabaho, sobra niyang ini-enjoy ang kanyang walong apo sa tatlo niyang anak although bibihira na sila’y magkasama-sama dahil ang tatlo niyang apo kay AJ at sa wife nito ay nasa Amerika. The only time na kumpleto ang kanyang mga anak at mg apo at kung nagbabakasyon sa Pilipinas si AJ kasama ang kanyang pamilya.

The actress-director has three grandchildren kay Ryan, dalawa kay Geoff at tatlo kay AJ.

Gina had no formal training bilang director pero sumailalim siya ng apat na session sa yumaong director na si Marilou Diaz-Abaya. Naging mapagmatyag din umano siya sa pagdidirek ng mga director na kanyang nakatrabaho. Bukod kay Direk Marilou, she also had an opportunity na maidirek ng iba pang mga premyadong director tulad ng mga yumaong sina Lino Brocka, Ysmael Bernal, Gil Portes, Mel Chionglo, Celso Ad Castillo. Nariyan din sina Chito Rono, Joel Lamangan, Joey Javier Reyes at iba pa.

At 63, wala pa umano sa kanyang plano ang pagre-retire for as long as meron pa umanong nagtitiwala sa kanya bilang isang actress at director.

Darna

Jane umaasang tatangkilikin ng viewers ang ‘Mars Ravelo’s Darna’

HINDI ikinakaila ng bagong Darna star na si Jane de Leon na may kasamang pressure ang launching project na “Mars Ravelo’s Darna” sa primetime slot na iniwanan ng top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal sa ere ng pitong taon at kung saan din siya naging bahagi sa loob ng ilang buwan. Pero ang maipapangako lamang ng young star ay ang dedikasyon ng buong cast, mga director at production staff na maihatid ang isa na namang magandang material sa mga manonood.

Since kasisimula pa lamang ng “Mars Ravelo’s Darna” ni Jane, nakatuon sa kanya ngayon ang attention ng publiko kung kaya nitong maabot ang tagumpay na naitala ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Pero, umaasa si Jane na sana’y tangkilikin ang “Mars Ravelo’s Darna” ng mga televiewers tulad ng pagtangkilik nila sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of ‘TicTALK with Aster Amoyo” and ‘INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE