yanbday

Halaga ng b-day OOTD ni Marian, nakakalula

August 15, 2022 Jun Nardo 87 views

NAKAKALULA ang halaga ng floral birthday OOTD ni Marian Rivera sa nakaraan niyang 38th birthday celebration, ayon sa isang glossy magazine.

Detalyado ng magazine ang suot na damit pati na jewelries na gamit ni Yan.

Eh, hindi naman si Yan ang tipo ng celebrity na ipinangangalandakan ang halaga ng mga isinusuot pero kahit mahal ang halaga, deserved naman niya ‘yon sa status niya.

Ang mahalaga sa karawan ni Yan, present ang pamilya (Dong, Zia at Sixto), mga kaibigan at mga katrabaho na nagmamahal sa kanya.

Ang higit pang nagpatingkad sa gabing ‘yon ay ang special performance ng dalawang anak na nagbigay ng mamahaling relo sa ina.

PUNUMPUNO NG EMOSYON

MAGALING nang stage actress, mahusay na singer pa si Kayla Rivera.

Lumabas na si Kayla sa acclaimed theater productions gaya ng Beautiful: The Carole King Musical, Rock of Ages at Joseph The Dreamer.

Kaya naman ang latest single niya na Half Love ay punumpuno ng emosyon, huh!

Streaming na ito sa Spotify, Apple Music, iTunes, YouTube at Deezer.

Follow Kayla sa kanyang social media account gaya ng FB, Instagram at IG upang malaman ang mga kaganapan sa kanya.

AUTHOR PROFILE