Bolera

Rayver, proud sa top-rating comeback ni Kylie

August 16, 2022 Ian F. Fariñas 86 views

NGAYONG nalalapit na ang pagtatapos ng kauna-unahang sports drama series na Bolera sa GMA Network, masasabi ni Kapuso Rayver Cruz na proud siyang mapasama sa cast nito.

Sa interview sa podcast na Updated with Nelson Canlas, ikinuwento ng aktor ang samahang nabuo ng cast at crew ng Bolera.

Ani Rayver, “Grabe naging isang pamilya kami ro’n. At hindi lang naman kami ni Jak (Roberto) and ni Kylie (Padilla), like ‘yong buong cast.

“Ang saya nu’ng samahan, ang gaan nu’ng… mabigat ‘yung mga eksena pero ang gaan nu’ng pakiramdam nu’ng buong set. Para kang nagkaroon ng mga kapatid, ate, kuya, nanay at tatay du’n sa set na ‘yon.”

Nagpasalamat din si Rayver sa lahat ng suportang natatanggap ng Bolera na mula simula ay mainit na sinubaybayan ng manonood.

Aniya, “Gusto ko ring magpasalamat sa lahat ng mga supporter natin, mga Kapuso natin, kasi, I mean, nakakatuwa and nakakagulat. And blessed to be part of that show kasi talagang ang taas nu’ng ratings.

“Kaya tuwang-tuwa kami. Kumbaga, parang trinay ng GMA mag-explore ng ganu’ng style ng show and it worked, kaya nakakatuwa.

“Sobra, sobrang nakakataba ng puso and maraming salamat talaga sa lahat ng sumusuporta. Sobrang proud din ako kay Kylie kasi pag-comeback pa lang niya, top rater agad siya. So galing, ang galing ng Bolera,” diin ni Rayver.

Subaybayan si Rayver bilang si Miguel “El Salvador” kasama sina Kylie, Jak, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, David Remo, Ge Villamil, Julie Lee at Luri Vincent Nalus sa huling dalawang linggo ng Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE