Aljur

AJ at Aljur lumantad na, may bagong pelikula

August 19, 2023 Aster Amoyo 279 views

Aljur1Aljur2IT was in 2021 nang unang magkatrabaho sina AJ Raval at Aljur Abrenica sa pelikulang “Nerisa” kung saan ang dating beauty queen-turned sexy actress na si Cindy Miranda ang pangunahing bituin. Magkapatid ang role nina AJ at Aljur kaya wala silang intimate scenes together.

The movie “Nerisa” was shown on Vivamax streaming app on July 2021, the same month na ginulat ng action star at senador na ngayon na si Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie Padilla at mister nitong si Aljur Abrenica sa vlog interview sa kanya ni Ogie Diaz. This is not actually the first break-up ng dalawa dahil nagkahiwalay din sila noong magkasintahan pa sila nung 2014 only to reconcile in 2016 na sinundan ng kanilang engagement in January 2017 at pagpapakasal nung December 11, 2018.

Ang dating mag-asawa ay may dalawang anak na parehong lalaki, sina Alas Joaquin (5) at Axl Romeo (who is turning 4 sa December 9).

In one of the interviews, inamin ni Kylie Padilla na siya umano ang nakipaghiwalay kay Aljur. As early as May 2021 ay hiwalay na umano ang dating mag-asawa.

Nang pumutok ang hiwalayan nina Kylie at Aljur ay si AJ Raval ang itinurong dahilan which was denied by AJ herself. Months later ay unti-unting lumitaw ang relasyon nina AJ at Aljur na dini-deny pa ng dalawa noon. It was only on February 14, 2023 this year nang maging open sila matapos personal na mag-post sa kanyang IG account si AJ na magkasama silang dalawa sa isang beach. Since then ay hindi na itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon.

Nung kasagsagan ng `buntis issue’ kay AJ na ang itinurong ama umano ay si Aljur, sandaling nagpahinga sa kanyang career si AJ not because she got pregnant and gave birth to her and Aljur’s baby kundi binalikan nito ang kanyang pag-aaral at tinapos nito ang high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System and last July ay grumadweyt ito. Gusto umano ni AJ mag-kolehiyo at gusto nitong maging lawyer balang araw.

After almost a year of not doing any movie, balik si AJ bilangVivamax Queen sa pamamagitan ng pelikulang “Sugapa” na pinamahalaan ng award-winning director, writer at editor na si Lawrence Fajardo. This time ay kapareha niya si Aljur at may mga intimate scenes ang dalawa.

Inamin ni AJ na may awkwardness sa kanilang dalawa at first pero nagging kumportable rin sila sa isa’t isa lalupa’t may relasyon naman sila sa tunay na buhay.

Although may mga intimate scenes sina AJ at Aljur sa “Sugapa,” gandang-ganda umano sila sa kuwento at pagkakagawa ng pelikula na matutunghayan na ngayong August 25 on Vivamax streaming app.

Cristine at Empoy bagong putahe

EmpoyBAGONG putahe ang tambalang Cristine Reyes at Empoy Marquez sa romantic comedy movie na “Kidnap for Romance”na pinamahalaan ni Victor Villanueva at mapapanood sa mga sinehan simula sa darating na September 6, 2023.

Empoy made it to the big league ng mga actor comedian nang tumabo sa takilya ang unang tambalan nila ni Alessandra de Rossi in 2017, ang pelikulang “Kita Kita.”

Ang pelikulang “Kidnap for Romance” ay magsisilbing 20th anniversary celebration ng Viva singer-actress na si Cristine for her 20th year in showbiz.

Parehong nag-enjoy sina Cristine at Empoy doing the movie “Kidnap for Romance” dahil sa nakakatuwang tema ng pelikula.

“We had fun doing the movie,” pag-amin ni Cristine na in love ngayon sa kanyang kapwa Viva talent na si Marco Gumabao.

FDCP idaraos ang Philippine Film Industry Month sa Setyembre

TirsoTirso1Tirso2THE month of September 2023 ay ilalaan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ng chairman at CEO, ang veteran actor at dating matinee idol na si Tirso Cruz III as the Philippine Film Industry Month (PHIM).

Ang ikatlong PFIM month-long celebrations na may temang “Tuloy pa rin ang tawanan” ay magbibigay-pugaysa mga iconic Filipino comedians at ang kanilang pagiging bahagi ng kultura ng Philippine movies.

“As history and international surveys have shown time and time again, the strength of the Filipino people has deep roots in humor, positivity and comedy,” pahayag ni Pip.

“And for that, in this year’s PFIM, we’d like to highlight the great comedic icons our our nation,” patuloy pa niya.

Bilang panimula sa month-long celebration, magkakaroon ng special screening ng restored and remastered comedy classic na “Home Along Da Riles” na magkakaroon ng red carpet premiere sa Cinema 1 ng Shangri-La Plaza. Doon ay ibabahagi ang line-up of events na inihanda ng FDCP.

Ang opening ceremony will be hosted by stand-up comedian, James Caraan.

On September 5 ay magkakaraoon ng open-air screening sa Rizal Open Air Auditorium kung saan ipalalabas ang “Ang Tanging Ina” ni Ai-Ai de las Alas at magkatulong na dinirek nina Tony Reyes at ang yumaong si Wenn Deramas na susundan ng “Here Comes the Bride” napinamahalaan naman ni Chris Martinez.

Between September 6 to 28 ay maghu-host ang FDCP Cinematheque Centres Nationwide ng screening ng mga pelkula sa ilalim na Sine Halakhak banner kasama ang line-up ng Sine Kabataan short films sa pagnanais na maabot din ang audiences hindi lamang sa Metro Manila kundi pati sa ibang regions.

On September 9, 10 &18 ay magkakaroon ng Academedia screenings and talks na magpu-provide sa mga student filmmakers ng platform para ipakita ang kanilang gawa at kasama na rito ang mga documentary films mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), University of the Philippines -Mindanao at West Visayas State University.

On September 11 to 17 ay magpapalabas ng mga piling pelikula (local and international) na P50 lamang ang bayad sa sinehan na tinaguriang “Sine Singkwenta” na partnership ng FDCP at Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), isa samga move para i-encourage ang mga manonood na bumalik sa mga sinehan .

Ang gala night ay gaganapin sa Teatrino Promenade in Greenhills, San Juan City on September 16 kung saan ang mga guest performers ay sina Bugoy Drilon, Daryl Ong, Michael Pangilinan, Frenchie Dy at Bituin Escalante to be hosted by Robi Domingo.

Sa September 23& 24 ay ipapalabas naman ang 6th edition of FDCP’s Sine Kabataan Short Film Festival na magkakaroon ng premiere red carpet sa Cinema 1 ng Shangri-La Plaza. Ang mga kalahok ay tumanggap ng P100,000 production grant mulasa FDCP. Ang competing fiflms will be screened mula September 22 hanggang 24 also at Cinema 1 ng Shangri-La Plaza.

On September 24, nakatakda naming ipalabas ang pelikula ng Comedy King na si Dolphy at ng yumaong si Nida Blanca, ang “John en Marsha”sa Metropolitcan Theater. Ito’y nabuo sa pakikipagtulungan ng FDCP with the National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Metropolitan Theater at ang ABS-CBN Sagip Pelikula.

Sa September 27 naman ay magkakaroon ng discussion ng mga obra at contribution sa industriya ng mga yumaong National Artists for Film na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal at Marilou Diaz-Abaya. On same day ay ipapalabas ang “Sugat sa Ugat” ni Ishmael Bernal na pinagbidahan nina Christopher de Leon at Hilda Koronel sa Cinematheque Centeres nationwide.

On September 29 ay magku-conduct naman ang FDCP sa pakikipagtulungan with the DGPI (Directors Guild of the Philipines, Inc.) ng film pitch para sa mga Filipino producers, filmmakers, post-production companies, distsributors, government agencies and industry stakeholders. Pero bago ito ay magkakaroon muna ng Film Pitch Workshop para sa lahat ng participants sa Cinematheque Center Manila on September 16.

Ang closing ceremony ay nakatakdang ganapin on September 29 sa pamamagitan ng pagbibigay-pugay at parangal sa mga comedy icons. The late Comedy King Dolphy will be given a posthumous award by the FDCP. Bibigyan din ng pagkilala ang mga present comedians tulad nina Vice Ganda, Ai-Ai de las Alas, Eugene Domingo, Michael V. at iba pa.

Ang award-winning writer-director na si Joey Javier Reyes ang technical consultant ng FDCP.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@asteramoyo.

AUTHOR PROFILE