Aiai Ai Ai de las Alas at Gerald Sibayan (gitna) kasama ang pamilya sa Amerika

Ai Ai pinatunayang mali ang bashers: ‘Si Gerald ang nagpapakain sa akin’

April 3, 2024 Eugene E. Asis 141 views
Aiai1
Ai Ai de las Alas at Gerald Sibayan

NAGPAKASAL ang Comedy Queen na si Ai Ai de las Alas at batambatang boyfriend na si Gerald Sibayan sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City, noong December 12, 2017.

53 years old noon si Ai Ai samantalang 23 si Gerald.

Kaya naman, iisa ang sinasabi ng mga tao. Na si Ai Ai ang bubuhay at magpapakain kay Gerald.

At malamang, tulad ng mga naunang relasyon ni Ai Ai, hindi ito magtatagal. Pero ngayon, may sampung taon na ang kanilang relasyon (kasama na ang panahong mag-boyfriend-girlfriend pa lamang sila).

Sa interview ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Ai Ai, isa sa mga napag-usapan nila ay si Gerald. Ayon kay Ai Ai, si Gerald ay “hulog ng langit.”

Sabi ni Ai Ai, “He (Gerald) is a good provider. Ang hindi nila alam na, sa Amerika, siya ang bumubuhay sa akin.”

Samantala, sa isang Facebook post, ibinahagi ni Ai Ai ang quote card na hango sa interview sa kanya ni Kuya Boy. “Naalala ko 10 years ago kung paano tayo dinurog ng sambayanan lalo na ako ng bonggang bongga. Pero tiniis ko ang lahat (and sobrang weird nga wala naman akong kasalanan nag boyfriend lang ako ng mas bata ang edad saken akala mo pumatay nako ng tao).

“Pero lahat ng sugat ay nahihilom ng panahon ( sa totoo lang ahhh infairnes saken napa kitabay ko din sa lahat ng bash na inabot ko yang pag hilom ng panahon na yan naminihasa nanyan ahhhh).

“Pero kaya ka pala binigay kasi the best ka …(hindi lang provider kundi mabuting asawa sa ibang aspeto .. pero hindi ka naman perfect).

“Naniniwala ako na pag madali at maganda bigay ng PANGINOON.. salamat dumating ka sa buhay ko .. and salamat kay Lord.

“The best si Lord talaga sa lahat ng bagay … isang patotoo sa milagro ng panginoon amen #ageisjustanumber,” mensahe pa ng komedyana.

Bukod dito, may isa pang post ang aktres about her husband, “Napaka swerte ko .. Sa totoo lang .. And sa experienced ko ang mabuting asawa ay bigay ng Dyos.

“Thank you Lord sa pag bibigay mo saken kay Gerald @gerald_sibayan .. sabi nya saken kaninang umaga habang pinapanood ko fast talk na nakatalukbong sya akala ko tulog gising pala may komento.

“Naku magbilang ka lang ng araw (meaning maganda daw sinasabi ko pag wala akong topak pero pag meron padala daw sya ng demonyo saken).

“Hahahahahahhahaha nyeta talaga tong asawa ko napaka karakter nakakatawa at higit sa lahat mahadero!!!! Pero ilove you so much my darling seryoso thank you for everything baka naman !!! Hehehe wohoooo @gerald_sibayan (pengeng pera).”

Matatandaang sinabi rin noon ng aktres na hindi niya inakalang magkakaroon pa siya ng isang matinong lalaki sa kanyang buhay.

“Happy 9th year anniversary as a couple my darling ko… May our marriage be blessed with love, joy and companionship for all the years that we will be sharing.

“I always thought that a perfect husband is a myth, kathang isip lang… sabi sabi… kwento kwento kasi dati ang lalaki saken toxic…

“aba nag babago pala ang pananaw… totoo pala na may lalaking maayos, may asawang mabait meron palang forever… akala ko bilihan lang damit ang may forever (21)…

“Thank you very much for being my husband, my partner, my boyfriend, my friend my ka tsismisan at ang importante sa lahat my provider ang nag papakain saken…

“@gerald_sibayan—i love you so much my darling ko yes looking forward sa 10 years naten next year… tarush te going strong !!!

“Ang lungkot ng mga bashers at hater 9 years na e mali sila HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA.”

AUTHOR PROFILE