Zeinab Larawan mula sa IG/@zeinab_harake

AFAM pinagpawisan kay Zeinab

January 14, 2024 People's Tonight 166 views

IBINANDERA ng vlogger-turned-actress na si Zeinab Harake ang kanyang kaseksihan ng magtungo siya sa isang beach para mag-relax.

Sa isang Instagram post ng social media star, sumirit ang alindog nito sa mga larawang kanyang ibinahagi.

Suot-suot ni Zeinab ang isang white-two piece string bikini habang inirarampa ang kanyang wetpaks sa dalampasigan.

Makikita rin sa ibang larawan ang todo-awrang ‘Kampon’ actress na siyang pinakalas pa ng liwanag ng takipsilim upang umangat ang mapang-akit nitong katawan at ganda.

“I’m getting some beach therapy,” sey ni Zeinab sa caption ng kanyang post.

Samantala, tila pinagpawisan naman dahil sa hotness ng kanyang nobya at nasabik na makasamang muli ito ang Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. na nasa bansang Japan noong mga panahong iyon.

“There’s a beach not too far from here Bel, just in case you need some more therapy,” komento ng basketbolista sa post ni Zeinab.

Hindi rin pinalampas ng hot na hot na si Ivana Alawi ang magbigay komento sa mga larawan ng kanyang kapwa social media star.

“PASABOG NAMAN AGAD SA 2024,” saad ng ‘Batang Quiapo’ actress.

Napa-comment din kay Zeinab si Binibining Pilipinas Grand International 2020 Samantha Bernardo.

“Happiness looks good on you,” wika ng beauty queen.

AUTHOR PROFILE