Azurin

ACT-CIS tiwala pa rin sa PNP

February 28, 2023 People's Tonight 265 views

KUMPIYANSA pa rin ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist sa kakayahan ng Philippine National Police (PNP) na mapigilan ang sunud-sunod na ambush sa mga pulitiko at patayan at kaagad na maresolba nila ang mga ito.

“I am sure at this point si PNP Chief (Rodolfo) Azurin ay may mga oplan na para matuldukan ang problemang ito,” ayon kay ACT-CIS 1st nominee Cong. Edvic Yap,

“Mukhang political ang motibo sa pag-ambush sa mga officials, entonces the PNP should focus nga sa trabaho, o kalaban, o aktibidad ng mga biktima. I am sure isa diyan ang dahilan,” dagdag ni Cong. Yap,

“Anyway, kami sa Congress are here to help our police kung ano ang kailangan nila dahil yan naman ang isa sa mga tema ng pamumuno ni Speaker Martin Romualdez na tulungan ang administrasyon in all aspects from pandemic recovery to peace and order,” aniya.

Naniniwala ang mambabatas na matutuldukan din ng PNP ang problemang ito.

AUTHOR PROFILE