Bea

Netizens, bilib sa pagma-manage ng farm ng mommy ni Bea

January 10, 2023 Vinia Vivar 289 views

Hangang hanga ang netizens sa farm ni Bea Alonzo, ang Beati Firma na isa sa biggest investments ng aktres in her entire showbiz career.

Sa latest farm update vlog ni Bea sa kanyang YouTube channel ay makikitang napakalaki na ng improvement ng farm na parang kailan lang ay halos wala pang laman at isang malaking lupa pa lang.

Ngayon ay napakarami nang iba’t ibang halaman at mga puno sa farm bukod pa nga sa mga animals tulad ng horses, cows, pigs at ducks.

And take note, mayroon din itong basketball court, fish pond, tree house, green house, outdoor kitchen, chapel and daycare room.

Ang ina ni Bea na si Mommy Mary Ann ang personal na namamahala ng farm at hands-on siya talaga sa pagpapalago nito.

Ipinakita rin ni Bea at ng mommy niya ang mga guest room sa property at ipinagmalaki ni Mudra ang ilang regalo ni Dominic Roque sa kanya noong nanliligaw pa lang ito sa anak niya.

Isa na rito ay painting na makikitang naka-hang sa kwarto.

“Guys, trivia, regalo ito ni Dominic Roque noong nililigawan pa lang niya si Bea,” pagbabahagi ni Mommy Mary Ann.

Isa pang ipinagmalaki niya ay ang sosyal na scented candles na bigay din ni Dom.

Puring-puri naman ng netizens ang ina ni Bea at gandang-ganda sila sa farm.

“I can imagine the hard work of the Mama of Bea, it’s a big responsibility na parang nag-i-enjoy lang sya, not to mention na she seems to be organized and hands on kaya maganda ang output ng farm nila! Galing lang and inspiring how the farm is being handled, and so with the staff!” komento ng isang netizen.

“Ang galing ng investment ni Bea Alonzo. Napakagandang farm para sa retirement o sa pag tanda. Good job and salute to her mother… hindi gaya ng ibang mga Nanay na sa mga walang kwentang bagay ginagasta pera ng kanilang anak,” papuri naman ng isa pa.

AUTHOR PROFILE