Default Thumbnail

Hall of Shame na naman ang airport

January 4, 2023 Allan L. Encarnacion 309 views

Allan EncarnacionPARA kong nakikita si former DOTr secretary Art Tugade na pasipul-sipol habang humihigop ng mainit na kape doon sa kanyang balkonahe.

At habang naka-dekuwatro si Sec. Art, 65,000 na pasahero ang nag-aalburuto dahil hindil makalipad, hindi makalanding at kanselado ang lahat ng kanilang flight papasok at palabas ng Pilipinas.

Itong nangyaring “pagkabulag” ng Philippine radar at communications system ng ating NAIA ay isang malaking dagok hindi lamang sa liderato nila DOTr Secretary Jimmy Bautista at MIAA Generam Manager Cesar Chiong bagkus ay sa buong bansa.

Nang dumating si Tugade sa DOTr, malaking problema ang kanyang dinatnan, mula sa aiport congesstion, barubal na sistema sa paghawak ng bagahe, tanim-bala, kakulangan ng mga upuan, mga bumagsak ng kisame ng airport at kakulangan ng mga banyo.

Inabot din ni Tugade ang kawalan ng night flight capacity ng mga domestic airports bukod pa ang tren-tren na pila sa immigration. Mukhang sa loob ng anim na taon ng tambalang Tugade at former GM Ed Monreal, naresolba ang lahat ng problema. Bagama’t hindi perpekto, masasabi nating nakinabang ang airport at airline industry sa full efficiency ng pamamahala nila Tugade at Monreal.

Hindi madaling tanggapin ang “glitches” na ito dahil nailagay na naman sa Hall of Shame ang ating airport.

Walang karapatang magkape at mag-relax sina Secretary Bautista at GM Chiong dahil sa insidenteng ito.

Naniniwala tayong anuman ang resulta ng isasagawang imbestigasyon, dapat may sibakin si Pangulong Bongbong para malaman nilang hindi biro ang inabot na kahihiyan ng bansa.

Kung sa termino ni Tugade ito nangyari, palagay ko may mga sisikmuraan siya at ihahagis palabas ng airport.

***

Blessing in disguise naman ang pagkakalipat ng anak ni Tugade mula sa MIAA ay napunta sa LTO.

Ilang linggo rin nagkaroon ng tug of war sa appointment ni Tugade dahil hindi pumayag si Secretary Bautista na mapalitan si Chiong sa MIAA GM.

Mabait din naman ang palasyo, nagparaya sila sa gusto ni Bautista na manatili si Chiong at hanapan ng bagong puwesto si Atty. Jay-art Tugade kaya ito napunta sa LTO.

Kung nagkataon, bumagsak sa kamay ni Tugade junior ang international shame na nangyari.

[email protected]