Martin2

856 TESDA scholars nakatanggap ng tig-3K tulong pinansyal

March 22, 2024 People's Tonight 90 views

NASA 856 na mag-aaral ng TESDA Training for Work Scholarship (TWS) sa Gingoog City ang nakatanggap ng tig-P3,000 tulong mula sa tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Tingog Partylist.

Ipinamahagi ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinatawan ni Deputy Secretary-General Sofonias P. Gabonada Jr. si Speaker Romualdez sa isinagawang payout noong Marso 21, na siya ring ika-19 na pagtatapos ng Lorenz International Skills Training Academy Inc. (LISTA) sa Arturo S. Lugod Memorial Gym, Gingoog City.

Bukod sa P3,000 cash aid, sinabi ni Gabonada na nakatanggap din ang mga scholar ng P15,000 hanggang P25,000 scholarship mula sa TESDA ang mga nagsipagtapos.

Nakatangagp din ang mga ito ng tig-5 kilo ng bigas.

Si Rep. Christian Unabia ang nagsilbing pangunahing tagapagsalita sa pagtitipon.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Mayor Erick Cañosa, TESDA X Regional Director Dan M. Navarro, LISTA School President Maggie Gudella Z. Tse at Karla Estrada ng Tingog Partylist.

AUTHOR PROFILE