Ambulance 81 na ambulansya ang ipapamahagi ng Pitmaster Foundation sa iba’t ibang provincial hospitals sa bansa para magamit ngayong panahon ng COVID. 

81 ambulansya bigay ng Pitmaster Foundation sa provincial hospitals

April 11, 2021 People's Tonight 647 views

NAKATAKDANG tumanggap ng mga ambulansya ang 81 provincial hospitals sa bansa mula sa Pitmaster Foundation kapag natapos na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Ayon kay Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz, “actually na-i-deliver na ang apat na ambulances sa ilang lalawigan. Unfortunately, naabutan lang tayo ng ECQ.”

Sinabi ni Cruz na naipamahagi na ang apat na ambulansya sa Culion sanitarium sa Culion, Palawan; Batangas Provincial Hospital, Batangas City; Bicol Regional Training and Teaching Hospital, Legaspi, Albay; at sa Eastern Samar Provincial Hospital sa Borongan, Eastern Samar.

Nasa 78 ambulansya pa aniya ang nakatakdang ipamahagi ng foundation kabilang na sa Southern Leyte Provincial Hospital, Ilocos Norte Provincial Hospital, Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital, Marinduque Provincial Hospital at iba pa.

Ani Cruz, “gusto kasi ng aming Chairman na si Charlie ‘Atong’ Ang na makatulong ang aming foundation sa immediate transfer and treatment ng mga tinamaan ng COVID sa mga lalawigan.”

“Pinag-uusapan na rin ng aming board na tulungan ang national government na makabili ng karagdagang mga COVID-19 vaccines para sa mga mahihirap nating mga kababayan,” dagdag pa ni Cruz.

AUTHOR PROFILE